Friday, December 30, 2011

End of the year, a new beginning...

2011 is about to end in just a few hours... excited na ko. I know, just like how blessed I am this year, I will be more blessed next year. I will have more things to learn, new friends to meet and will grow deeper in my faith. As I leave 2011, I will also leave my stagnant spiritual life. Before the year ended, the Lord grant one of my prayers, direction sa work. Next year, new account and still same company. I know Lord di mo man ako dinala sa Makati, alam ko kasama pa din yun sa plano mo sa buhay ko. This will be a new beginning for me.

Dalawa na lang Lord... church at love life na lang, hehe. Kahit unahin nyo na po ang love life, 24 na ko eh, haha!

Sobra ang pinagdaanan ko this year spiritually, pero alam ko Lord lagi kang nandyan sa tabi ko. Kase hanggang ngayon eto pa din naman ako eh. May mga tao man na nagpakirot ng aking puso, marahil hindi nila alam yun. Siguro ganun din ako. Kung feeling ko eh nakawawa ako, pwedeng ganun din sila. Baka nasagasaan ko din sila na hindi ko alam. Pero Lord, ikaw lang ang nakakaalam ng laman ng puso ko. Ng nararamdaman ko para sa childrens, kung bakit ko kelangan gawing ang mga bagay na yun. At kailanman hindi ko naging interest na ibagsak ang isang tao lalo na at kasama ko sa sya sa pananampalataya. Hindi man nila ako maintindihan, okay lang, kase hindi ko din naman sila maintindihan.

Alam ko Lord this 2012, sa blog kong ito, marami akong maisusulat na maganda at mga bagay na matututunan ko sa darating na taon.

Thank you Lord sa lahat ng blessings mo sakin sa taon na ito, sa family ko, financially, sa work, sa church at friends. Love life na lang naman talaga ang kulang sa kin eh, hmmm... pwedeng dumating na yun next year. :)

Salamat Lord, kahit kelan hindi po kayo nagkulang. Yung mga nawala kong friends, ibinalik nyo sakin. Salamat po, hindi sapat ang mga salita para iparating ko sa inyo ang aking pasasalamat sa masagana, mapayapa at ligtas na taon na to. Salamat po!

Monday, November 21, 2011

He will never let me go


Before, I was always praying to the Lord to never let go of my hands kahit na unti unti na itong bumibitaw, and He answered that prayer and I know it became a promise. Alam ko na kailanman ay hinding hindi bibitawan ng Panginoon ang aking mga kamay kahit pa ito'y nagpupumiglas na. - Isaiah 41:13

For the past months, my life was stagnant, I was lukewarm. - Revelation 3:16. Worried ako sa sarili ko. Parang okay na ako na hindi ganun kaactive sa ministry, okay na parang church goer na lang ako. Ang dami ng pumapasok sa isip ko na baka tayong mga tao sa Earth ang tunay na Alien, I can say that somehow I was becoming an apatheist. But the Lord loves me so much, He doesnt want me to be led astray.

Thank you Lord for using Ate Aileen and Kuya Noah to bring me back to Your Presence. To help me clear my mind, and to understand things.

Give me wisdom, understanding and strength for my new journey O Lord. You appointed me Lord, so You will also enable me. Just like what you did to Bezalel. - Exodus 31:3-5




Wednesday, October 26, 2011

Still Surviving...

Akalain mong aabot pala ako ng one year dito sa ttech. Nauna pa silang mga nangawala sakin, haha. Sorry naman kung binawi ko ang sinabi kong magreresign na ko. Change of plan eh, dami rin changes sa hp. Kami ay paunti na ng paunti. Di na nga masaya sa ops. Pano naman, wala naman akong makausap. Sa team namin, madami na ang 5 agents. Laging absent, nakaleave at iba iba ng off. Di pa kami pareho ng mga trip sa buhay. Hindi naman ako mahilig sa lalaki noh, di ako makarelate sa kanila, haha!

4 days work na lang kami every week, grabe talaga, palubog na HP. Pero isa yata ako sa mga huling lulubog, hahaha. Di ko maintindihan ang grounds sa lipatan na yan. Ayoko na din maiwan sa HP, sobrang tindi na ng competition sa agents nyan. Akalain mong pati sa Zablan eh ililipat nila, unbelievable talaga! Di mo nga ako pwedeng icompare sa performance nun eh. Hokus Pokus na lipatan yan.

Tsaka na mag desisyon kapag nakuha na ang 13th month at open na ang Convergys sa Dasma.

Nandito nga pala sa Pinas si Joy, kaya ayun... dami gala. Ang cute ni Madi.

Si rain mag 7th birthday na next Sat. Ang bilis talaga ng panahon, dati eh baby pa namin yun.

Friday, October 14, 2011

God does the work in us to give us a new start, but to walk in the way of the Lord (Deut. 11:22) requires time, effort, and lots of practice.


Ang hirap gawin... how much I wanted to remain in the presence of the Lord but I am always being drawn away because of my selfish decisions. Its true everything bounces back, harsh words that we said, judgment that we passed on people. So, who mostly needs the grace of God right now?

Sunday, October 9, 2011

sore-eyes


yeah, at ang sakit sa mata. 3 days na ko absent. salamat sa sick leave ng sss mababawi ko absent ko. okay na din baptismal ko after masungitan ng secretary sa church. 1 week rest, bahay lang. a very good time to watch my series kaso it hurts my eyes din naman kapag tagal nakatitig sa screen. Joy arrived na, di natuloy ang EK kase umulan kahapon. Malling, no other woman at dinner kina fean na lang. Ilang mos na lang eh 1 dekada na pala kaming friends... and believe me, so many things have changed since we first met. sa attitude, point of views at kung anu ano pa. my eyes are bleeding, i so hate it.

Tuesday, September 27, 2011

confused :(

These past few months will be the most confusing days of my life. Napakadami kong plano sa buhay ko to the point na nalilito na ako kung ano ang ipaprioritize ko. Gusto ko na magresign dahil nahihirapan ako sa metrics, ayoko na ng pang gabi n work, gusto ko mag sunpower para normal na buhay at nang makapag bible school ako at mas focused sa ministry. Gusto ko din mag abroad... hay, anu ba talagang gusto ko? Hindi ko na nga rin alam talaga.

Ngayon ko lang din naramdaman to na parang sobrang layo ko kay Lord, kahit pa lagi nmn akong nag sisimba. Saktong sakto yung kantang shifting sand sakin. I am changed, my faith is being changed by every wave. Napaka unstable ng pagiisip ko, ng mga decisions ko. Lagi ko sinasabi na aalis na ko dito sa hp, pero until now andito pa din naman ako. Hindi ko ba alam kung ayaw ko lng umalis na comfort zone ko, kung comfort zone tong matatawag.

Sa twitter or fb man, dedma na lang ako sa mga godly messages at quotes, kelan ba ako huling nag quiet time? Nag tithes ng tama at may na bless na ibang tao? Grabe, di ko alam kung anong status ng buhay ko. Parang ang daming crossing sa ngayon at di ko alam kung san ako pupunta. Alam ko naman na si Lord lang makakatulong sa kin. He is the only one that can give peace to my mind and soul, but I can feel that I am refusing to yield back to Him. Hindi ko alam kung bakit, at hindi ko din alam kung bakit ganito ako ngayon... so confused...
*****
Yan sana ang post ko this morning kung gumana lang ang net kanina... Ngayon nandito ako sa bus, kakagaling ko lang ng cog dasma, nagsimba kami ni beth. Truly the Lord knows just exactly what we need... Kanina sabi ko sobrang confused ako, pakiramdam ko sobrang layo ko sa Panginoon at nawawala na ang Holy Spirit sa buhay. The message seems to be prepared for me. My eyes were once again opened and the Lord made me understand what I need to get back on my feet.

I have been looking for answers and waiting for my prayers to be heard pero hindi ko pa natanong ang sarili ko if I have already asked forgiveness for all my wrong doings. I haven't asked nor begged the Lord for that. The Lord made me realize what kind of show off I am, what kind of pretender I am. At dahil mahal ako ng Panginoon, today... He reminded me how important I am to Him and how much He wanted me back in His presence. Salamat Panginoon for keeping your ears opened for me and for not hardening my heart...

Patawad Lord for breaking the seal that you've given to me and give the Holy Spirit back to me. And most of all, help me to remain in Your presence forever...

Saturday, September 24, 2011

Wednesday, September 21, 2011

back to work...for real



after a week of just being home, i'll be back to work later. hay... kung hindi lang mag bi birthday si rain at magpapasko, ay talagang hindi na ko papasok. I no longer hope na maililipat ako sa telstra or whatever, I dont think that will still happen. I have dsat daw, haha! Si tl naman, talagang may pagtawag pa. Yeah, yeah, I get it. I'll get back to work na.

Tuesday, September 20, 2011

growing up


whe, akalain mo ba. parang kelan lang puro kalokohan at walang kaseryosohan lang kami sa buhay ng mga kaibigan ko sa dasma. pero ngayon, seryoso na. may mga nag asawa na, may dalaga pa din naman pero halos lahat ay professional na.

kanina pumunta ako kina fean kase babang luksa ni tata. after so many years, kanina lang ulit kami nagkita. parang wala namang nagbago, ayun makulit pa din si fean kagaya ng dati. si jec seryoso pa din sa buhay at makulit pa din. si jophel andun din kanina, sya ang hindi seryoso dati na seryoso na sa buhay ngayon. nakakatuwa, tumatanda na talaga kami.

wala lang, i just want to be reminded again na iba na talaga ang buhay ko ngayon, hindi kagaya nung studyante ka pa lang na hindi inisip ang hinaharap kundi ang mga parating lang na quiz.


Tuesday, September 13, 2011

pagkakaibigan...

Marami akong group of friends... at madami din sa kanila ay matagal ko nang hindi nakikita. May iba na weeks na, months at karamihan ay years na. Dahil after namin na magkahiwalay ay naiba na ang landas ko sa kanila, met new friends na mas accessible sa kanila. But it doesn't mean na nakalimutan ko na sila. No one knows that from time to time I still remember them and the memories that I shared with them, and how much I hope na magkabonding ulit kami to look back at the memories of the past.

Kahit pala matagal na kayong hindi nagkikita, may tendency pala na magaway pa din kayo no? I didn't expect na ganun na pala kalaki ang tampo sakin ni Fean. Fean is one of my treasured friends. Bakit naman hindi, we were together sa NCST for 2 years. Sya ang unang naging kaibigan ko sa NCST hanggang sa naging kaibigan din namin si Joy at Jerica, at syempre ang grupo nina Karen. After two years I transferred in Manila. So nagkahiwalay na kami at mas naging close na sya sa iba pa. Syempre, nakakalungkot yun no, sa dami ba naman ng naranasan namin, kahit pa halos lahat dun ay kalokohan. That was year 2004 nung nag transfer ako. Pero kahit ganun, I really did my best na madalaw ko sila kahit pa magsinungaling ako sa bahay.

But that was before, iba na ang sitwasyon ko ngayon. Hindi na kagaya ng dati na kahit kelan pwedeng gumala kase studyante pa lang. Sinusuportahan ko na pamilya ko, nagtatrabaho na ko. As much I wanted to make gala, eh magpapahinga na lang ako. Less gastos pa diba? Na pwede ko pang ipandagdag sa grocery namin.

Hindi lang naman sa kanya o kanila na friends ko sa dasma. Kami ni Shirley, na super friend ko nung high school sa laguna. Everyweek eh natutulog ako sa kanila para lang magbonding. Ilang years na ba kaming hindi nagkikita? 5 years na ata, but we still remain friends. Kahit na hindi ko naman sya laging namemessage sa facebook. Wala namang tampo.

Ang mga mareh ko sa UE, we were together nung college for like 3-4 years. Rain or shine, we were still together. Tambay sa catwalk, mang trip ng mga nerds sa school, mag cut ng class para lang tumabay sa mcdo at magchismisan at higit sa lahat ang masalimuot naming thesis. After ng defense namin ng March 2008, September 2011 ko na sila ulit nakita. Sobrang dami nilang imbitation sakin na magkita sa Manila pero hindi ko magawa. Dahil wala akong panahon dahil sa work ko at gawain ko sa church. Pero hindi rin naman kami nag katampuhan.

Alam ko na iba ang sitwasyon ni Fean, nagtampo sya sakin dahil namatay ang tata nya noon at hindi man lang ako nakadalaw sa burol. Hindi ko na din maalala kung talaga bang hindi man lang ako nakapagpadala ng pakikiramay kahit sa text o FB man lang. Gustuhin ko man pumunta ng trece, hindi ko talaga magawa. That was the time na bago pa lang ako sa ttech at pang gabi ang sched, kaya after work tulog agad ako kase 2 hours pa ang byahe ko. My reason may not be enough to defend myself, but I don't think that will be enough to cut off a friendship that we treasured for so many years.

Ngayon, I have lots of time, lagi na nga ako umaabsent sa work ngayon eh, syempre regular na. Now I'm really making up to those friends na hindi ko nakita ng matagal na panahon. I went to Manila to see Aien, I'll be going to Laguna to see Shirley and the others at para dalawin na din ang lola ko. I'm actually planning to see Fean as well pero I just found out na may tampo pala sya sa akin. Even though, punta pa din ako sa 20th, sana lang papasukin nya ko sa bahay nila...

I love you Fean, you may not know it or feel it, but that is true. Madami man akong group of friends, pero ang weight nyo ay pare pareho lang, gaano man kaigsi o kahaba ang ating pinagsamahan...

Monday, September 12, 2011

ang dating ako...meeting with negra

Nung saturday at nagkita kami ni Negra, after 3 long years. Huling kita pa namin ay nung nag defense kami. May na set kaming date dati mga 2009 na hindi ako sumipot, eh nasa byahe na pala sya, kaya sila na lang ni Anemic ang nagkita. Inis na inis sya sa akin nun, haha! Di ko sya masisisi.

Sobrang dami ng nangyari sa buhay namin after ng defense namin, hindi ko kase pwedeng sabihin na after namin grumaduate kase si Paul lang naman ang naka akyat ng entablado para kunin ang diploma nya. Si Negra nagkaroon na ng maraming first time nya... First boyfriend, first ligawan session, first date, kung anu ano pa at higit sa lahat... first heartache. Si arnie, may mga first time din siguro, di man alam ang buong details, one thing is for sure, may first baby na sya. Eh ako naman kaya, anong first time experience ko after UE? Parang wala naman talaga. Madaming new experiences pero nothing major. Unang akyat sa bundok, unang beses na pag ka counselor sa camp, first time mag ministry head. Ang mga first time na umiikot lang sa church, bahay, trabaho, friends at pamilya. Dito man sa konting bagay na to umiikot ang buhay ko sa ngayon, okay pa naman ako. Enjoy pa din ang buhay.

Sa kwentuhan namin ni Negra, pinaalala nya sa akin kung gaano ako kalala taong 2008. That will be the time na nag ti thesis kami, di na pumapasok sa school si Joanne, nagkasama kami sa Prosales ni Negra at bagong Christian ako. Siguro nga di lang ako aware na ganun ang ugali ko, ang sungit ko sa lahat, insensitive sa mga sinasabi ko, in short... hindi halatang Christian ako. Maybe somehow I'm a changed person na, the Lord changes His people glory to glory if they are willing to. Syempre willing naman ako. Would you imagine na dati eh tanggera pa ako sa inuman at para lang makasama ko sa tambayan ang crush ko eh nag aral pa akong manigarilyo. AT dahil nahilig ako sa rock music, naging emo pa ako. Got into piercings, naalala ko, nagpalagay pa ako sa dila, na nalunok ko lang naman. Kahit walang kasama manood ng concert, cge go pa din! Nakikipag slaman sa mga hindi mo naman kakilala. At kapag tinanong ni nanay kung saan ako galing, nag gawa kuno ng project. Ilang beses bang umiyak sakin ang nanay at kuya ko dahil kahit saang inuman dumadayo ako. Isa sa mga never forgotten session ay sa dasma, na bitbit ko pa si Anemic at Negra. Ito ang time na nahuli ako. Ilang beses na pagtambay sa Yes kasama si Jec at mga kaibigan nya. Hindi ko alam kung ilang barrel ang nauubos namin noon. Natatawa na lang ako pag naaalala ko ang nakaraan. Pero hindi ako proud na ginawa ko ang mga bagay na to.

Dahil ganyan ako dati, at ganito ako ngayon, it only proves that the Lord is so powerful and His power is so unimaginable kung paano nya kayang baguhin ang buhay ng isang tao. Pero syempre, may mga flaws pa din ako. Alam ko minsan eh masungit pa din ako at kapag to the highest level ang emotion ay nagiging insensitive pa din sa mga sinasabi. Kaya nga ngayon, I think before I speak.

Masaya ako na open na ngayon si Negra sa madaming pagbabago, at higit sa lahat yung willingness nya to know more Jesus. I bought her a book that can heal her broken heart and will let her know more about Him. Ayoko nga sana masyadong gumastos noon kase baka magipit sa budget, pero sabi ni Day, you have to invest as well sa mga kaibigan mo especially those are looking for Him. Kaya ayun, happy naman ako. Kahit na dumerecho pa ako sa Teletech after that for work, eh hindi man lang ako inantok habang nag ka calls.

So blessed to have so wonderful friends, I have set of mareh's, Day's, mga Tol ko sa laguna, Teh sa Bacoor at mga Men ko sa Dasma that I will be treasuring for the rest of my life.

I'm just so happy with the love of God and I can't contain it :)


Wednesday, September 7, 2011

as in wala....



as in wala... wala akong maipost dahil wala akong ginagawa. sa buhay ko, sa ministry, kahit saan. sa trabaho, go with the flow. pinepressure ko si Lord sa mga prayers ko. wala, wala, wala! as in wala. at hindi ko rin alam.

Tuesday, August 16, 2011

the real thing

i've met this man by chance, i didnt know that he will somehow give impact to my life. we may not be together for long, but you will be part of my life forever.

many have said that they follow Him, many have said that they believe in Him... but those are only their words, in you i saw that talk and the walk.

if only things are in line right now, it will be fun to hear more from you. though we will just be together for a short period of time, i know i will learn more from your talk.

i thank God for letting me know you!

Wednesday, August 10, 2011

new path...



yes...after 10mos in this company, i will be changing career.
fed up of working at night, non stop calls and demanding customer
....at higit sa lahat, ang suntok sa buwan na balance score card.

tama si jen, ito ang trabaho na simula pagupo mo ay gamit ang bawat minuto.
how i miss my job in prosales. after mong matapos ang mga invoice na kelangan mong i encode, pwede ka ng mag tumblebugs. magkape at tumitig sa kawalan pansamantala. makipag kwentuhan sa mga kasama mo sa ofis at kumain ng fishball kapag anjan na si manong. though maliit ang sweldo pero atleast tulog ako sa gabi at kung kakain kami sa labas nina nanay, eh pwede ako anytime. at higit sa lahat, weekdays off ako.

how much my heart is hoping na matanggap ako sa sunpower, hindi man ganun kalaki ang sweldo, ayus lang. tapos na naman ako sa laptop. how much i want to start afresh. how much i want to leave this company na nagpariwa sa soul ko.

how much i want things to happen the way i want...
but i have a sovereign God, wherever path He will lead me now...

I know its always for the best, it depends on me on how I will manage things.

Thursday, July 7, 2011

extension please!!!



i dont want to end this yet... can i have 2 more days?!? i dont want to go to work yet. like, what's in there? hay... i just want to stay at home... for four days, i didnt even set my feet out of crossing mendez. sleep when i am sleepy, wake up if i want to . my father will just call me if its about to eat. watch movie, surf the net. eat hot pandesal in the afternoon. wow... what else can i ask for. a little bored, ang bagal naman kase ng net. and writing my story.

should i become a full time writer instead?? hmmm... there's so much that i want to do. passport, please come.

nakakatamad pumasok., buti sana kung may inspiration ka man lang. ka bored sa work, as in.

hindi ko alam... di ko alam kung anong gusto kong gawin.


Tuesday, July 5, 2011

bored




as in...im getting bored sa buhay ko ngayon. lagi akong walang pasok. i dont feel like i'm working. ito ang stage ng buhay ko na napaka dull. pang 3 days ko ng walang pasok., pero wala ding gala. pero masaya nung sunday. nagturo ulit ako ng mga bata., nakakabless kapag may nagagawa ka para kay Lord. bday ni karlo. lunch @ max tapos rest muna for afternoon plan. biking sa taal vista then dinner sa kfc with yellow cab pizza. then monday starts., tambay sa bahay. movie marathon, angry birds, shaky tower, tinapos ang gossip girl at ngayon nag dodownload ng secret garden. wala magawa kaya following celebrities sa twitter. nakakatamad. since naalala ko ng nagtuturo ako sa sunday school this july... prepare na ko ng lesson ko para sa sunday and will make lesson for the rest of the year.

Thursday, June 23, 2011

OffShore



again... writing a story... that hopefully I can finish this time. what makes me do it again? dahil sa sucker punch. according to the bida, "you can create whatever character you have in your mind in your dreams". Korek! I can make someone super rich, super pretty, and super meron lahat ng bagay. I can make stories that is too much for a fairy tale. why not? its my story, its my character, its my dream, its my imagination...

my charlie has been opened since 9 in the morning watching secret garden. and will be open until 1o to finish at least the first chapter of my story.

writing the things that i hope to happen in my life... places where i hope i can be...

writing while raining...so inspiring :)

Wednesday, June 22, 2011

great pretender



it's not that i'm trying to be self righteous, i know ive done wrong things in the past too. but the difference between us is that i made effort to make things right. i didnt know that you are such a coward... in so many ways.

what happened in the past, that i can understand. but now? c'mon my friend! are you still in adolescent stage!?!

with what happened, i know things will never be the same again, we are putting walls between us. mahirap na din siguro makipag kwentuhan sayo. we are such a hypocrite.

kung nasa posisyon lang ako, i'll reveal everything... too bad walang gossip girl sa pilipinas para ibuking ka.

i guess you two really deserves each other. or you're just becoming like her. you're a great pretender too!

ganun lang yun? so selfish... di mo man lang inisip ang nararamdaman ng iba.

i hope what you've done will be revealed... let's see if they will do the same as before and decide fairly...

drive drive drive...watever!



malala na daw ako, puro push back daw, wala ng drive...yeah, maybe your right.

lately sa work, nakakatamad lagi, pagkaswipe ko ng id ko I feel like I want to go home already. wow! its like my last days in etel. i dont know, there are so many things that i want to do and i dont know which i want first.

gusto ko bumalik sa school, gusto ko magturo, gusto ko mag abroad, gusto ko magbusiness, gusto ko mag resign, ang dami!!!! di ko alam kung anong uunahin ko.

pero sa ngayon, i need to stay sa teletech for few more months to prepare sa aking pag aabroad. hopefully talaga makaalis this year. nabobored na ko sa pag cacalls. maybe things will be different kung hindi nawala si arianne. wala naman maka chismisan sa avail time. hay... how much i miss the chrysalis time.

basta ngayon hindi masaya sa work...wala lang akong choice eh, july pa ang passport ko.

pero sa bahay, always masaya, kahit kapagod mag alaga ng mga makukulit na pamangkin. hay... discouraged tuloy akong mag asawa, haha! sarap pa din ang dalaga. malungkot nga lang kapag may occasions, especially valentines hehe.

i know everything will be okay.... in His right time....

patience tina...patience...




Thursday, June 16, 2011

2 steps forward...



prayer and passport... just the beginning of my long time desire to work abroad :)

His favor was there on the first step and will still be there up to the final step.

for now... just have to wait and the most important one... trust the unseen.

i dont feel like im working, like everyday nasa tagaytay naman ako.

kung hindi lang sa responsibility sa bahay, i'll be content with what I have right now...

I've never dreamt of being so super rich, i just want a simple life, a life devoted to Him.

2 years...that will be enough... to save for the future plans and to fulfill my simpleng pangarap...

i can really see myself as a missionary or serving full time in the future, i want that to happen and i have to prepare my self.

im so excited for the things that God has planned for me., soo excited :)

Tuesday, June 7, 2011

Korea!!!

kelan kaya??? kelan kita makakapiling...araw araw naiisip kita.
korea...sana naman. Lord, pwede ba?

my heart has planned so many things already, but its still you who will lead my way...

hindi ko na itatype...ipag pe pray ko na lang bukas sa picnic groove.

so far... i'm enjoying my life :)

and for the nth time., hindi na nga ako yut leader.
so wag na akong isali sa program or meeting...

masaya na ko sa childrens... dun ko na lang ibubuhos lahat.

malapit na nga ba talaga ang judgment day mo? hindi ko na siguro kelangan kumilos kung ganun... si Lord na ata ang bahala sayo.

so don't try to win me back... hindi ako ganun kadaling utuin, kase kilala na kita.

at para sayo KR, pasensya ka na...

hindi naman talaga ako suplada, malabo lang ang mata, pasensya na.

hay... i'm so excited :) I know there will be more to come!

Korea Korea Korea!!!! sa ngayon ikaw ang pangarap ko :)

Tuesday, May 31, 2011

every week na lang??? cmon!!!

ay sadya naman... parang every week na lang kelangan akong marenew. hindi ko din malaman kung anong kelangan at hinahanap ko. Pero isa lang ang sure ako, dahil to sa katamaran ko.

pero gaya ng dati, pag dating sa pelikula at korean drama, ang dami kong oras.

nakakatuwa naman ang secret garden...too much for a fairy tale sa tingin ko. pero malay mo nga naman, it does really happen in real life. kaya ko kayang mag pakamartir ng ganun? parang ayaw ko, pero you'll never know.

sira na naman ang laptop ko, ay naku. hindi ko na nga ipapahabilin...

bakit ba naman kase hindi ako masigasig manalangin sa ganyang bagay. gusto ko eh ibigay na lang ni Lord... sana this year...

at sana...sana talaga... gusto ko makaalis this year...

gusto ko ng snow...
mag coat ng napaka kapal...may head set pa na may foam :)
makakita ng napakadaming singkit...
makarining ng madaming nag ha hangul...
at makasakay ng plane pa korea.
gusto ko talaga.

Lord...sana ibigay mo na this time. magiging masigasig ako, sana...

ang dami kong hiling, ang dami kong gustong gawin, maranasan at makuha.

pero ang dami ko namang sablay.

kelangan ba talagang irenew every week???

tina naman

Thursday, May 26, 2011

morning shift!!!




morning shift ay kay sarap!

isang normal na nilalang...ang dami ko na namang gala.

ang sarap sa Kamayan, my first eat all you can, mas na enjoy ko ang saging. pero syempre mas higit ang bonding ko kay nanay at dadi. ito pa nga lang dalaga ako eh hirap na maghati ng oras sa pamilya at friends, pano pag nag ka bf pa??? hahaha!!! nevermind!

maliit ang benta, isipin mo naman... for 4days ay $200 lang ang sale ko. ang trz na niload for May ay 1000 lang, wow! I am so missing you March!

di ako mag dedeny, nainggit talaga ako kay Raymond, 9900 ba naman ang trz mo, eh d ang saya non! will work hard na lang diba? para next time ay ganun din ako.

hay... wala na akong masabi sa dami ng naririnig ko tungkol sayo. kakaiba ka, pramis!!! as in, wala kang katulad. at sana nga, wala ng taong katulad mo. wag mo ding isipin na lahat ng tao sa paligid mo ay close mo, dahil hindi, isang malaking hindi! hindi mo mabibili ang friendship ko dahil lang sa isang pair ng damit... ang akala ko pa naman ako lang ang nakakaramdam ng kakaibang feeling sa pag katao mo. ngayon alam ko na, hindi ako nag iisa...

at talaga naman... Jeremiah 17:9 is soooo true!!!

once again, i was deceived. hahahah!!!!

natatawa na lang talaga ako, isang quarter lang wala na agad. wala na tuloy ulit akong inspirasyon, nu ba yan. ang dami naman kaseng turn off sayo. no regrets naman, dahil tanggap ko naman na di ikaw ang inaantay kong prince...wow! prince na ang term, panalo!

last night bonding with long time friends...beth, ikit, haidz and deybed. kulang na talaga... mahirap na mabuo ang tropa, isang malaking himala kung mangyayari yun. pero kahit na kulang, masaya pa din, namiss ko si david. sayang wala si james, ikaw na ang busy.

overnight sa bahay kasama ang aking mga inday... tawanan na naka mute kase magagalit si big brother. walking going to tagaytay oval then jogging... naka 10 laps ako. sarap! may pasok lang bukas eh.

at super duper antok ako... gusto ko sana mag jogging bukas, pero alam ko...

hindi ko kakayanin gumising ng maaga...

Tuesday, May 17, 2011

ang nakaraan...



pag kadaming nangyari sa leave ko, dami ko nalaman, pero higit sa lahat nag enjoy ako... nabitin pa! hahaha

no regrets na ako'y nagturo ng mga bata, 2-4 for 3days, kaloka! pero masaya talaga lalo naof you're doing it for the Lord. ang saya saya, though may hindi rin magandang nangyari,may mga nakakaasar din, alam ko may times na sila din naasar sakin. minsan lang naman eh...hahaha!

kaloka din ang mga nalaman ko, isa ka talagang dakilang kung ano ka man. alam ko hindi ako ka ganun ka righteous, pero hindi ko naman kayang ihain ang ibang tao para lang iligtas ang sarili ko. at mang chismis ng ibang tao na alam ko namang mabuti ang loob. pasensya ka, kase naichichismis kita.

tandaan mo, sabi ni Lord, kung ikaw ang dahilan ng pagkatisod ng kapwa mo kristiyano at dahilan ng kanilang pag bagsak... magtali ka daw ng bato sa iyong leeg at tumalon sa dagat.

naku, pero ewan kung alam mo ang mga bagay na yun. di ko alam kung di ka lang aware o patay malisya ka lang. o hindi mo din alam kung gaano ka katibay na tupperware.

may araw ka din...siguro malapit na. mapalad ka nga at hindi ako binigyan ni Lord ng sunday off.. kung hindi, durog ka talaga sa kin. mabait pa din si Lord sayo. Hay naku! nagiging maldita ako ng dahil sayo eh, asar.

morning shift na ako...hay...ang saya!!! kaso weekdays off. kaya ang plano ay mag leave every sunday, or absent, or halfday! haha, lagot kay TL. yai na. namiss ko mga kasama ko sa sunday school eh.

dami pa plans sa sunday school... buhay na buhay, nakakatuwa :)

at ang feelings ko para sayo...ay namamatay na. maigi naman. lalo na ng ako ay may makita. enough of you...

ang dami ko sana gusto ipost, kaso nakalimutan ko na.

ang init, yun na ang ending.

Saturday, April 30, 2011

kay sarap!!!



kay sarap mag lingkod kay Lord, kay sarap magturo ng mga bata, kay sarap na may ginagawa para kay Lord, kay sarap!

alam ko na bless ako, hindi lahat ay kayang tiisin ang kakulitan ng mga bata. hindi lahat ay ilalaan ang off para sa ibang tao. hindi lahat kayang mag effort mag bitbit ng gamit ng childrens at pagkain nila. at hindi lahat ay may ganitong conviction at pag mamahal sa mga bata.

ito na lang ang natitirang ministry ko, and i hope that I will stay with you Lord until the end of my labor. i pray that until my last breath, i can serve you.

so ngayon, excited na ko magturo sa family seminar, kagabi lang eh tinatamad pa ko, hehe. bakit pa ko nag leave kung ganun. buti nga na approved eh. so kelangan i reschedule ang date ko with beth.

masaya lang ako... im back on track :)

just me and the Lord




a week of restoration...

back to each others arms :)

blooming daw ako, akala nila inlove, hehe, hindi naman masyado, inlike nga lang.

hindi ako blooming, light lang ang appearance ko ngayon, syempre naman, once you are in the Lords presence, your light will shine. its like you have a lamp over your head that shines into your face. just like amor back in college. akala mo may bitbit na poste ng meralco kase nag liliwanag ang kanyang mukha.

i have learned a lot this week... sa buhay ni jeremiah and daniel, at ang katigasan ng ulo ni jehoiakim at ng mga isralites.

its true, the Lord is just. and i know, may consequences din ang mga kalokohan na ginawa ko...

at totoo din, the Lord is merciful, abounding in grace. turn back to Him and He will never ignore you.

na realize ko din, naging unfair ako kay kr. kung ituring ko naman sya eh isang kasalanan. kung tutuusin, hindi naman talaga.

aba, pwedeng sya na nga ang itinakda sakin ni Lord! bakit hindi? ano pat nauso na ishare ang good news. its how you balance your emotion and choose your priority. naku, eh hinihingi na nga kita ke Lord. kapag yun eh nangyari, tama si negra, malakas nga ako kay Lord, hahaha!!!

sorry naman...pwede pa naman bumawi diba? kaso kulang sa pag kakataon.

ewan ko ba, minsan talaga slow ako sa mga ganyan. di ko alam na yun na pala ang chance ko eh kapag tapos na yung eksena tsaka ko lang naiisip na dapat pala ganun ang ginawa ko.

sige, kapag may next time, eh bibilisan kong mag isip.

but not everything that you've prayed for will be answered, di man kagandahan ang ending ng aking stats this april, eh may posibilidad na hindi madisperse ang team. bakit pa sinabi ni TL na morning shift na daw kami sa next shift bidding??? so ibig sabihin...kami pa din ang team, saya!

ayoko na malipat sa ibang team...masaya na ko sa kabaitan ni TL, nakakabiruan mo pa. si asg ko, kahit na minsan eh makakalimutin sa sarili nyang rules, eh ayus lang. si asg2 ko naman, mas ayus! oo lang ng oo. haha! halos lahat naman mabait eh, may mayayabang din sa team... pampaiba naman ng lasa. hindi rin maganda na lahat mabait, boring na diba?

morning shift??? ang saya talaga nun! back to normal tulog na ko, bonding with dorm mates na ulet, at sana nga...sana nga... makapag jogging ako at gym, at ng mabawasan tong mga alaga kong bilbil...hehe

natatawa ako kay asg2, parang sumasali lang sa org sa school. gusto daw nyang maging Christian, pero di nya alam ang gusto nyang pasukin. but look on the bright side, at least may desire. ayus to! another fruit to bear.

naligo ulit ako sa ilog, an lameeg ng tubig! swak na swak sa init ng panahon. i love purple hills!!! at ang pamilya ni inday ko, love na love ako. mula kay ate, kuya, mama, tatay at mga pamangkin, akala mo eh talagang kamag anak nila ako.


si tatay ni beth, parang an tagal ko na punta ng punta ng purple hills eh last two visits lang nya ko kinausap. kahit na ang sakit na ng tiyan ko sa kabusugan kanina, dahil si tatay ang nag aya saking mag dinner bago umuwi, at hinainan ako ng kanyang napakasarap na dinaing na gigi... sabi ko nga, madali akong pilitin, haha! ayun, napakain ako.

si isaac eh bagong tuli, natawa naman ako. nung nililinisan sya ni palean, eh sobra naman sa pagkakatalikod at sa sound effect talaga ako natawa, hahaha!!! binata na! buti na lang eh malabo ang mata ko, wala naman akong nakita.

si david, text ng text ngayon tungkol sa concert ng switchfoot, parang praning, nahawakan daw nya kamay ni jon, eh anu naman, haha! ang mahal naman kase ng ticket, sa hillsong na lang ako, si Lord pa maeexperience ko, hehe.

aba! pulp summer slam pala today, akalain mo nga naman. parang kelan lang, nasa mga ganyang lugar din ako dati. kasama ko pa si amore at long hair, mga mentor kong kunsintidor.

ayus na experience na din yun, at least nakita at narining ko na ng live ang pinakamamamhal kong si miggy at sandwich at narinig na pumiyok si ebe, haha!!! will never forget, sa UP Diliman yun. pero ayoko na balikan... hindi na din gusto ng tenga ko.

people really change talaga... naalala ko pa si tatay, akala nya dati adik na ako. haha. si pd talaga, BI kahit kailan.

from time to time, naiisip ko pa din kung nasaan na si jv, hindi ko na sya nakikita sa tagaytay... at kung anong magyayari kung sakaling magtagpo muli ang aming landas.

at ang bago kong bili na jacket, ayun, ay pag kapalad! nawala, di pa ko nakakamove on. gusto ko yun eh!

at ang bago kong kyutiks na daliri ay nasira dahil kay pg..naman, football daw. mainit na tubig kaya yung bitbit ko. at higit sa lahat, naputol pala ang kuko ko..tsk tsk, di pa din ako nakaka move on, lagi ko ba naman nakikita ang kuko ko.

nakaleave na ako sa May 12-14 para sa seminar sa church, pero hindi ko alam kung magtuturo pa ba ako, i made plans na with my inday na mag sleep over, jogging at spa at umakyat ng talamitan. ewan ba, nawawala ang conviction at excitement...di ko alam.

at isa sa mga prayer na sana ay matupad... 9am-6pm shift na sunday off...

cge na Lord...

cge, kahit hindi na ganung oras, basta sunday off...para sa mga bata.

Monday, April 25, 2011

restoring my soul...

I have drawn myself so far away from you Lord...

this is the worst season of my life, being apart from You.

simula ng nag 3am shift ako, di ako nakakapag devotion at natigil bible reading ko.
lagi akong movie marathon, babad sa net at tulog sa dorm.

napabayaan ko din ang prayer life ko.

it feels so empty...

everything seems to be in vain.

kahit na okay naman lahat sa paligid ko, pero di ko maramdaman yung saya na kagaya ng dati.

hindi ko makanta ang mga Christian songs ko, nahihiya ako kase hindi naman sya totoo sa buhay ko.

pati sa mga kaibigan ko sa church, napalayo na din ako. dami ko na ding namiss sa church.

it reflects talaga, kaya ganito ngayon ang mga bunga ko. nangangawala...

sorry Lord...I know you can see my heart.

hindi ko kaya ng malayo sayo.

sorry for being so hard headed, sorry for disobeying you para lang masunod ang gusto ko.

this week... is restoration week.

just You and me Lord, just You and me...

Wednesday, April 20, 2011

katamad...

super...katamad this week.

miss ko na si aryana, to naman mga kakwentuhan kong lalaki sa team eh kapipilyo. hay...

msat pa ko, long call, liit ng sale. hay...

tapos sabi pa ni tl, kung bagsak pa din kami this month eh mawawala na sila ni maynard, ay kalungkot naman nun. hay...

gusto ko mag mindoro, o kaya bora o kaya palawan...nasayang ang promo na ticket.

kapag pala hindi pwede ang mga kaibigan mo sa lakwatsa, dun mo kelangan ng boyfriend..hahaha

gusto kong kumain ng black forest cake sa goldilocks, wala namang kasama. nag take out ako ng isang slice... hindi pala masarap kapag wala kang kashare at kachismisan habang kumakain...

ngayon ko naiisip, kailangan na talaga ng boyfriend...

kaso naman., tong mga kalove team ko eh an lalabo. naku, ang hirap espelengin.

bahala na nga si batman!


Monday, April 18, 2011

lukewarm...

hay... napapraning na naman ako. anuba tong nangyayari sakin, di ko na naman alam ang status ko.

ang aga aga sablay ako today...ni hindi ko man lang pinag isipan, at ngayon... eto, regrets na naman.

di ko makanta ang mga songs ko, hindi totoo sa buhay ko. nakakahiya...

natatamad akong pumasok ngayon, gusto ko lang sa bahay, mag alaga kay lei...
gusto ko na ding mag morning shift, nakakasawa na gumising ng madaling araw.

wala ng inspiration, wala pa si aryana. walang makakwentuhan sa floor.
walang makasamang mag food trip after shift...hay talaga...

unang bagsak ng summer, ilog! sarap! kahit may mga pasaway na kasabay, ang ending, naging friends naman kami.

naranasan mo na bang kainin ng isda? haha! sarap mag ilog, anlameg!
sana maulit muli...

nakakatuwa si palean, love na love ako. pinag sopas pa ko.
feels like second home ang bahay nyo Day... miss na agad kita. sarap talaga mag walking habang ka chismisan ka.

ay sana naman hindi ako manawa sa trabaho ko...

Tuesday, April 12, 2011

teh :(

bye teh...for now :)

sus! magkikita pa din naman tayo, sa sat nga me lakad tayo eh. just keep in touch...

nakakalungkot lang talaga, as in... super!

nakakatamad mag calls kanina after natin sa hcd... its not fair para sayo., anu ba namang reasoning yun. hay naku, yaan mo na, sila naman ang boss.

mag nars ka na, mag pagaling ka ng marami, maraming puso! hahaha. sabi mo nga, things happen for a reason.

that's true! there is always hope sa mga katulad natin :)

yun nga lang...

wala na ko kasama matulog sa quiet room... mag grocey after ng shift

wala na ko kasama mag wendys...mag sundae sa mcdo at mag yogurt
puro boys na kasama ko sa lunch
wala ng ka chismisan kapag avail

and most specially...

ka share ran ko sa mga blessings ni Lord

asar! naiiyak ako teh, pero makakamove din ako, broken hearted???

ayun lang...

you'll be my "teh" forever :)


Monday, April 11, 2011

my favorite cake...

para kang isang black forest cake na may wine...kahit favorite ko yun, di pa din masarap kainin.

kinukumusta ka pa sakin ni nanay eh...

yung Day ko ayaw pa din gumive up sayo, kidnapin ka na daw namin, hahaha

we live in two different worlds... pwede ka bang mag migrate sa mundo ko?

ang hirap kase lumipat sayo eh...


Saturday, April 9, 2011

heart ache...

.
nang dahil sa kuryente na yan, nag away kami ni tatay.

ang tagal ko na din palang hindi umiyak... nilinis ni Lord ang mga mata ko.

habang naglalakad ako papunta ng wilderness... di ko mapigil ang pag tulo ng luha ko :(

sobrang excited ako na off ko na...excited ako umuwi ng tagaytay para makasama si tatay, at ang una kong nakita ay ang pag jumper ng kuryente na yan. wala pa kong tulog at na pagod sa byahe, ay uminit naman talaga ang ulo ko, nasabayan pa na bagong gising din si tatay...

and as usual, napaka insensitive na naman magsalita ni tatay, layasan ko nga

wala pa kong balak pumuta sa wilderness eh, napa impake tuloy ako.

ang dami kong nadeadma sa daan, panu ba naman...
ayaw talaga tumigil sa pagpatak ng luha ko, kumikirot ang hart ko.
sa lahat ng ayaw ko eh yung nag aaway kami ni tatay...ayan, naiiyak na naman ako.
magkasama sana kami sa bahay ngayon, nag kekwentuhan... bwisit na kuryente yan.

sayang yung pinya na ibibigay sana sakin ni ka susing, at dahil namamaga na ang mata ko, deadma ulit

pati ang paborit ninang ko, deadma din...

at ikaw kuya, kung sino ka man na sutsot ng sutsot sakin, kung hindi mo alam ang pangalan ko eh wag mo na akong tagawin., deadma din sya. echusero, kala mo naman eh ichichika ko sa kanya ang pag iyak ko

aba, 800 meters na lakad din ang ginawa ko, habang umiiyak...

masakit sa hart... nararamdaman ko until now

tampo ako sayo tay, pero lab pa din kita.. alam kong alam mo yan

sa lunes na ko uuwi, cool off muna tayo

Thursday, April 7, 2011

naudlot na career...

oo nga ano??? bakit nga ba hindi ko na itinuloy ang pag kokorea?

hmmm... parang ngayon ang tamang panahon, para matapos ko agad bayaran ang lupa sa mendez at makapag pagawa na ng bahay para kay tatay.

hay... nakakatamad naman kaseng pumunta sa manila sa init. Sus! naalala ko pa yung huling punta namin ni pressie babe sa poea, at talaga naman ang pawis na matagal kong hindi naranasan ay kainaman.

pero why not, dami naman akong friends na sa korea, pabalik pa si maxene from aus at nandun din si jeff.

siguro kelangan na nga... simulan na.

konting tiyaga sa init Tina, wag ka maarts.

Korea... here I come!

Sana nga... hahahaha

Sunday, April 3, 2011

I have decided...

yep! yep! yep! I have...

tigilan na ang kalokohan, the Lord has spoken to me. mahirap gawin, but I can do all things through Christ who strengthens me :)

takot ako sa palo eh...sorry my dear. gusto man kitang mahalin, kaso negative talaga. let's be friends na lang, ouch! Mas love ko kase si Lord.

but i still do have burden for you... gusto ko lang ng tamang motibo. mahirap na sumegwey. mga examples ni ptr.clave kanina. kulang na lang itext sakin, sapul na sapul naman ako, hahaha!

kaya nga, I have decided. di ko na entertain ang feelings na to. hindi naman sapat na mabait ka lang.

sorry Day... nakakalungkot noh? yaan mo na, yung will na lang ni Lord ipapakilala ko sayo. Thanks din, sa pangungunsinti., kahit papano may kilig moments pa din. haha! abay ka pa din sa kasal ko.

those moments that we've shared before? dont worry... they will be in my "list of memoirs"

i'll meet you in the next phase of our relationship...


Thursday, March 31, 2011

kaba

aba...kanina pa ko kinakabahan...bakit kaya???

may hindi magandang mangyayari? wag naman sana

dahil ba magpapabangs na ako? wala na kasing bawian yun

magkikita kami mamaya ni ate edz? di ko alam ang sasabihin ko

o magsasabi ka na sakin??? waahhh!!!!

cge, yung last na lang! cheesy!!!


overnight camping na!

Wednesday, March 30, 2011

blessing after blessing...

2 weeks na...thats after I decided to leave ttech. sale everyday, csat every week and fun at work. panu naman ako aalis nyan. everything seems to be okay...on track. weekend off pa ko. approved leave din, so makakasama ako sa overnight camp.

pero ewan, there's something eh. ewan ko kung nahihiya lang ako kay Lord sa overflowing blessings dahil dami ko naman shortcomings. minsan kase naiisip ko na kaya may magagandang bagay na nangyayari ay to hinder God's plan, baka namimisslead lang ako.

pero kung titingnan mo, hindi naman affected and ministry. kaya, mejo nalilito lang ako. sa ngayon kase ayoko umalis ng ttech, pero syempre gusto ko mag stay dahil yun din ang kalooban ni Lord.

parang lagi na lang akong may hinahanap ngayon... 3 weeks na ko di nakakaattend ng worship service sa ihp. namimiss ko din ang services sa cog. minsan gusto ko dun magsimba sa hapon after magturo ng mga bata sa ihp. sa last 2 sundays na nag church ako sa ihp, parang wala lang.
parang I'm always expecting something para bumalik yung dati, one of the reasons kung bakit nanood ako ng planetshakers is to bring back the fire. gusto ko yung gaya ng dati, lalo na during the bible reading.

sa friday eh overnight camping namin sa mt.batulao. excited ako, kasama ang mga church leaders. again, im expecting something from this event... hindi makakasama sina nanay, naiinis ako. lagi na lang nyang sinasabi na sasama sya, pero kapag andyan na hindi naman, promises. hmp!

namimiss na din kita, kung online ka lang, isasama sana kita eh. half half reason, gusto sana kita makita, kase kung hindi eh next week na ulit tayo magkikita...so 2 weeks na kitang hindi nakita at sana for you to hear na din, baka ito na.

napapangiti mo ako, pero naiinis din ako sayo. oo, alam ko mabait ka, pero hindi sapat. wala, anlabo talaga. bakit kase hindi pa mawala to, bakit hindi pa alisin ni Lord. sa dinami dami ba naman eh bakit ikaw pa.

si fei pala mag aasawa na. si james at david, miss ko na sobra. gusto ko sila makasama, yung kami nina haidz. namimiss ko yung tropa, kung pwede lang sana ibalik. naiisip ko tuloy, nakakainis tong mga pasaway na to, pati ikaw Day, sana buo pa din tayo. friendship na lang sana kesa sa love. in 2 weeks, 3 system sale na ko. 3 raffle tickets para sa flat tv at nc3, sana mabunot talaga ako. dami na ko trz, hehe. dami na din nag resign sa wave namin. at gusto ko kumain ng bacon mushroom melt ngayon. gusto ko din makita si beth at maligo sa ilog habang kumain ng manga. gusto ko din mag mindoro. ang dami kong gustong gawin bago mag second coming, hehe.

pero sa ngayon, sisimba muna ako ^_^

Sunday, March 27, 2011

longest week so far...

Yep! 3rd day pa lang sa work feeling ko 10 days na akong nagtatrabaho, pero naisip ko na kung bakit... kase tagal na kitang di nakita! cheesy!

This week is so fuuulllll of blessings, as in overflowing blessings. Imagine everyday not less than $300 ang sale ko, for sure wala akong papel sa rpc sa tues. haha! nag ka system sale pa, so may raffle ticket ako para sa flat lcd at nc3. Naku Lord, talagang alam mo ang kailangan ko, hehe. Kase sira ang cp ko, kelangan na palitan at walang tv ang ate ko, sana manalo ako sa raffle :)

Love is in the air nga ba??? hindi naman talaga, just like what I said, "inlike" lang ako. Sus! 3mos pa lang no, less than pa nga ata eh.

Kapag naaalala ko talaga yung eksena na yun, natatawa ako. Huling huli kita, wag ka ng lumusot, di ka kasya. Kung torpe ka, ay naku, wag mo na akong antayin... dahil hindi ako nag pe first move, dalagang pilipina ata ako! hahaha

At di mo ako mahahalatang may hd sayo, magaling kaya akong artista, di nga nila halata eh, lol

Kaso ang hirap, bakit kase di ka pa tinatawag ni Lord, o di ka lang nagrerespond?

Lagi mo akong napapangiti, makita ko pa nga lang pangalan mo ang lakas na ng dating sakin. Kaso nabibwisit din ako sa mga posts mo. We have lots of similarities and differences... Many times, nadidissapoint ako sayo.

Kaya nga Lord, kagaya po ng prayer ko. Kapag dumating ang time na yun, help me to stand firm sa testimony ko. I know, madaming beses na po kayong nalungkot sakin dahil sa kanya. Just like the last time, kahit alam kong mali, go pa din ako, maging masaya lang ako. I pray na wag akong magpadala sa emotion ko. Ayaw ko magaya sa kanila, I know it will never last. Proven, kaya sana wag maging matigas ang ulo ko.

Sa ngayon, parang gusto ko lang ienjoy yung mga moments with him. Opo, alam kong mali, dapat tinatakasan diba, hindi ini entertain...

Di ko alam kung tamang alibi. Sabi kase ni kuya jd pabungahin ang buto, kaya yun po ang plano ko. Taniman at pabungahin...

Pero kung hindi good ground, no worries, masunurin akong bata :)

Sunday, March 20, 2011

50/50

ayan...50/50 na. di na ko sure kung mag reresign ako. dami ko nga pala commitment for this year, si mean at lupa sa mendez, haysss... di ko naman pangarap maging mayaman pero parang sa mga oras na to gusto ko magkaron ng milyong piso para sa mga commitment na to.

at...naisip ko, mamimiss ko si aryana. minsan di natin alam nagiging blessing na pala tayo sa iba. at feeling ko ang dami kong pwede ma reach sa lugar na to. ewan, baka feeling ko lang. Baka justification ko lang to dahil sa hidden agenda ako. Di naman sa nagmamatigas ang ulo ko, alam ko Lord madalas assuming ako, pero kapag sinabi mo naman saking "hindi" sumusunod naman ako, kapag kinuha mo naman sakin, ayus lang eh. Gusto ko nga kunin mo na eh.

napakablessed ko sa family ko, oo nga at broken family kami, pero dahil dun dalawang masayang pamilya ang meron ako. Si tatay love na love ako, hindi matanggihan ang mga request ng bunso nya. Ganun din si nanay at kuya. Si ate at bayaw ko love na love din ako. At syempre, lalo na si Big Brother ko. So thankful Lord, hindi man ako mayaman financially pero tong family ko ang isa sa mga greatest treasure ko dito sa Earth.

at Lord... tulungan mo po ako sa Iruhin. Ayoko iwan ang ministry mo ng dahil lang sa mga difficult na tao. Hindi naman ako nag ooutreach para sa kanila. At higit sa lahat, una mo akong nilagay sa lugar na yun kesa sa kanila. At kelan man, hindi mo kami pinabayaan... kung dahil lang sa kanila at mamamatay ang outreach, wag naman sana. Kawawa naman ang mga bata dun. Give me strength Lord, at wag akong magbase sa emotion ko. Mamimiss ko ang mga bata...

at ikaw, yeah... you always complete my day :)

Monday, March 14, 2011

leaving ttech...

Soon... I will be.
Iniisip ko pa lang nalulungkot na ko. Yesterday, I didn't know whats holding me back on this opportunity, but yeah, I dont need to fool myself. I know the exact reason why... And the reason is you...

Maybe its God's answer to my prayer na din to take this feeling away. I've been pleading the Lord. Siguro ito na nga. Very beneficial sakin na mag work sa sunpower, Sat-Sun off, which I always desire. Morning shift, no need pilitin ang sarili na gumising ng madaling araw, makakatulog ako every night sa pinakamamahal kong kwarto. At higit sa lahat, malapit sa ministry, bakit ako hihindi... because of you.

Gonna start over, Lord sana ito na ang last, ang dami ko ng naging company, I want something that is for long term, sana Lord ito na. Ive been planning things here sa teletech, pero sabi mo nga, You'll still be the one to direct my steps, and I always trust you sa lahat ng plano mo.

Mahirap pa lang ma attract sa hindi Kristiyano...but thankful ako, hindi naman ako hard headed. Ive seen the result sa buhay nya, at ayoko matulad sa kanya.

Lord, give me wisdom, when is soon???


Friday, March 11, 2011

2nd time around...

aabsent para lang umakyat muli, haha
ewan, gusto ko talaga, sobrang excited ako para bukas, aakyat ulit ako, again I will see the wonders of God's creation. After that, Planetshakers naman! Yahoo!!! First time to watch a worship concert, I know this will be a revival and again my spirit will be uplifted.
Bukas na! Bukas na!

And yeah, you completed my day =) even though it was just a small talk...

Thursday, March 3, 2011

weekly metrics


ay sadyang mahirap abutin... csat,dsat at tpr pwede pa, pero ang rpc na tinakasan ko nga, di ako sure.

akalain mo nga naman, hindi ko na ineexpect ang dsat incentive, nakasali pa ko, thank you Lord! Hindi nga lang tpr, msat lang.

kainis naman talaga yun, hindi na nya ko kilala? ay sus! ang gwapo nya ha, kapag naaalala ko ang eksena naiinis ako. hmf! affected masyado, haha!

ang dami ko na nga palang chips, marunong na kong magpoker, salamat teh, thanks pg sa mga chips na binibigay nyo, hehe

panu naman kaya mang yayari ang sarili kong saying... out of sight, out of mind... eh lagi mo naman nakikita.

at tingnan mo, nakakapag blog ako, pero di pa ko nag dedevotion. hmm... pasaway



Friday, February 25, 2011

Month of Love...Love is in the Air ♥♥♥

Month of love...love is in the air. Kahit wala akong boyfriend, kasali pa din ako, may inspiration naman ako eh, hehe.

Good start with my new team...ganda ng sales, kaso nauubos na pondo ko, hehe. Nanaginip ako ng system sale, hindi pala sakin yun, sa kateam ko, haha! Good job kuya egay :) Ang saya saya ni TL, bago matapos ang month nagka system sale kami.

Infairness, masaya sa team... Mabait si tl at si asg ko. Masayahin ang mga kateam namin ni aryana. Sana maregular ako, at di madisperse ang team. Kaso yung ilan sa mga masayahin eh napromote na, ang galing.

Umakyat ako ng Mt. Batulao, a wonderful experience! Ang hirap ng first peak, first time kase, hehe. Pero enjoy, super! Sana maulit this March, kung sino man ang aakyat, sana makasama ako. Ang ganda ng tanawin, its a proof of God's amazing and great power, sya lang ang kayang makagawa ng ganung kagandang bagay. Ang gaganda ng mga pictures. At after nun, tina negrita na ko, haha! Nagpapalit balat, pero sulit talaga sa experience!

Manonood ako ng concert sa March 12, planetshaker sa ultra. This will be a good experience again. Other people may lift up their hands and shout at the top of their lungs with their favorite bands, pero ako, I will sing praises to my King and Savior, excited na ko!

I wont be a thief this pay out, haha! I pray Lord that I will be faithful with my tithes again, di ka naman nagkukulang sakin eh. I know I will still have enough :)

2 days ko ng naiisip, bakit nga ba? Si nanay hindi rin masagot ang tanong ko, haha! Hindi ko naman masasabing walang kapag a pagasa ang .... pero wala talaga eh, ang dami ko namang friends, hay naku! Talaga atang tinupad ni Lord ang prayer ko nung college pa ko, hehe. Lord, binabawi ko na! LOL. Hindi, ayus lang po yun. I know you have prepared the best ^_^

Currently reading Boy Meets Girl, ang gandang book, ito na nga ang dahilan eh. Nagbasa ng I Kissed Dating Goodbye, umattend ng True Love Waits ng 2 beses at eto nagbabasa na naman, haha! I'm just preparing my heart, I know malapit na ipakilala sakin ni Lord ang ka loveteam kong tunay. Ang hirap nga lang... reading the first chapter of the book, duguan talaga ako. Para akong si Jacob, wrestling with God. Gusto kong gawin ang gusto ko, pero pinipigilan ko ng todo kase alam kong di pasok sa banga. At syempre, habang binabasa ko ang libro, ikaw ang nasa isip ko, at alam ko na malabo pa sa mata ko na mangyari yun. Pero...hmmm.. we'll never know, haha! Ayan na nga, kinukunsinti ang sarili.

Its like a sweet melody when you called my name, I can still hear it now, hihihi. I can never imagine, panu kaya kung wala ang dalawang patpat. Hay...si Lord talaga, hindi hinayaang mangyari, di daw kase for the bright and better future. Ikaw naman Day, kunsintidor ka. Kinukwento ko lang, pampakilig lang ba. Parang nung panahon nyo ni Jaylee.

Naku, ganito din ako nung college. Lagi na lang akong niloloko ng sarili kong apdo, atay, balun balunan at heart... naalala ko pa si lh, as in boldly I'm asking the Lord na sya na lang. Aba! nung ibibigay na ni Lord, nawala na ang spark, kainaman naman talaga.

Dati, dead na dead ako kay ks, sabi ko, kaya kong ipaglaban, go go go lang! Ay sus, after few months, nawala na din, its all in the mind.

Ngayon, baka ganun na naman, very deceitful pa naman ang heart. Sabi nga ng mga mareh ko, assuming daw ako lage, haha! Kaya siguro napunta sakin tong book na to, the Lord is protecting me na baka malinlang na naman ako. Thank You Lord! You know naman, whatever happens, I always trust You. I know its part of Your plan, I know You will not bring harm to me, wag lang maging matigas ang ulo ko...

Sunday, February 13, 2011

Answered Prayer!!!

Katuwa naman talaga, I can still feel the hang of it :)

Sa last blog ko, to the highest level ang request ko, at kinagabihan answered prayer ako!
Sunday off na ko, 4am. Meaning makakahabol pa ko sa outreach sa Iruhin, miss ko na din mga bata dun.
2 mos na pagaantay, 2 mos na natest ang faith ko, grabe... Amazing talaga si Lord :)

Wala ako masyadong masabi tungkol dun dahil I am so grateful =)
Sakto pa yung message ng pastor nung sunday, hindi sinagot ni Lord ang prayer ko dahil naging mabuti ako, but because of His great mercy... very true, dami ko kaya shortcomings at iniisip ko nga yun ang reason kung bakit hindi sinasagot ni Lord ang prayer ko... ang galing, galing talaga!

Valentines pa today, pero parang regular day lang, hehe...
Friends na naman ang kasama ko to celebrate, ang tagal mag text, ang lagay ako pa magyayaya sa kanya? Asar, hehe

But anyway, it doesnt matter, kase until now, my heart is filled with joy ^_________^

Saturday, February 12, 2011

torn

Hay...hirap! super...kaloka na. Masaya naman sa work, pero sobrang miss ko na ang childrens. Minsan para na kong praning sa bahay sa kakaisip...

Lord, I've been praying na magkaron ako ng Sunday off para makapagturo na ulit ako. O kahit makapag out man lang ng maaga ng Sunday, kahit wala pang tulog kaya kong umuwi ng Tagaytay para magturo at makasamang mag church ang family ko, that's how desperate I am!
Minsan naiisip ko kung nilagay mo ba talaga ako dito sa ttech o kagustuhan ko na lang na dito ako dahil this is my comfort zone financially... But still, I believe that everything happens dahil You have a plan. Sa mga devotion ko, durog ako. I can't be a church goer, I wasn't called to be like that. Just like Jeremiah, I may not be as powerful, rich or successful as others, pero in Your eyes Lord, I know I am. Just like him, gusto kong tapusin ang sinimulan mo sakin. Everything seems to be useless Lord, everything is in vain...
Hindi ko man maisigaw ang lahat, alam mo naman ang laman ng puso ko. Hindi ko na kelangan sabihin. Lord, ang hirap, parang sasabog na. I've been fighting this, hanggat kaya ko Lord, para sayo. Alam ko minsan matigas ang ulo ko, so help me. Willing naman akong mag antay eh... alam nyo po yun...

Ayoko lang isipin ang mga bagay bagay, I trust You, I know... everything will be okay...

Monday, January 24, 2011

busy busy busy….

February 5, 2010 free2shout copied from Friendster

Busy… sobra, kung kelang nandito na ko sa Tagaytay…mas malapit sa church. Sabi ko mas may time na ko sa Bible reading dahil meron ako ng lahat ng kelangan ko sa pagbabasa. Mas focused sa ministry dahil anytime pwede ka kumilos dahil nga malapit ka lang. Pero, easier said than done. Devotion na lang ang nagagawa ko, hindi pa araw araw. I feel so guilty na parang hindi si Lord ang priority ko. Busy sa PinoyPao, sa callcenter, sa fundraising, sa mga pamangkin, childrens at iba pang anik anik. Mon-Fri, work at pinoypao. Saturday, outreach. Sunday, church/ministry. San ang dayoff ko? Gabing gabi na matulog, nag a accounting kapa. Maago gigising kase mamimili sa pamana. Hayss… Di na ko nakakapanood ng CSI Miami, kung kelan kumpleto na DVD ko. Kung pwede lang dagdagan ang oras sa isang araw. Para mas mahaba ang tulog ko. Nakakamiss naman yung 2mos na tambay lang ako sa bahay. Pero kahit papano naman… fulfilling pa din. Kahit wala na kong time para sa sarili ko, basta meron si Lord. Ewan ko ba, siguro ganito na talaga ako. I can’t imagine myself na malayo sa Kanya. Salamat kay Lord, may Bible reading (kahit hindi updated) alam ko naman kahit papano, binago ako nito. Hindi lang ako, madami samin. Its up to us on how we will react. Tanggap ko na din na hindi everytime, buo ang tropa. We already have different paths to take. Hindi kagaya dati na halos kumpleto kapag Sunday, lahat ng bonding kumpleto, lahat ng birthday celebration at event sa church. Ganyan talaga, hindi naman tayo pumupunta sa church at nagiging part ng isang ministry dahil sa tao eh, syempre, lagi dapat dahil kay Lord. The joy of serving must not be found through the people that you are with but it must be from God. Kaya may joy kase your serving Him. Dagdag saya lang yung kasama mo ang friends mo.

Bagong career… Tinggin ko, sa pagtitinda ako magiging successful, laging mabili ang mga tinda ko eh. Haha! Eh di mainam. Every Sunday, iba iba ang bitbit kong tinda sa church.

Masaya naman ako sa ngayon, mas mabuti ng ang may ginagawa kesa sa wala diba?

“Those who wait on the Lord
Shall renew their strength”

- Wings Like Eagles ; Don Moen

God’s Grace and Mercy

October 12, 2009 free2shout copied from Friendster

“He never runs out”, that’s what I can say. The Lord is abundant in mercy, grace and forgiveness. Hard to explain, I can just feel my self crying every time I’ll think about it. A very heart breaking story. Thank you Lord! You already know why. But still, I’m preparing my heart, praying that I will stand still. Preparing my self as well to be emptied again, “The seed I received I will sow”

I’m not afraid, I know where ever I am, the Lord will still bless me. What ever I have, its enough and still will sustain all my needs. It’s final. 13month and PA! Looking forward to both of you… ^_^

I’ve already decided to resign, so excited! If I could just pull the days, I will really do it. Transfer work, start my own business, give more time in Ministry, join worship team again, learn to play guitar and most specially… spend time with my family.

I’m not thinking of my lost regarding the salary, it could be half difference of what I am earning right now. But just like what I said, the Lord will still bless me where ever I am.

Still happy have to serve the Lord, still crazy in love with Him…

Facebook Addict ^_^

September 16, 2009 free2shout copied from Friendster

Yeah right, got addicted to this very interactive “friends networking”. Got addicted with Farmville, pangarap magtanin eh! Ultimo damo di ko nga mabuhay sa true life, dito na lang matutupad pangarap ko. haha! Yun lang, Kim is now transferring to DOC, back to each others arms, hehe. Girl, wag ka pasaway, nilakad kitang mabuti, galingan mo ha? hehe. Hay, 6K to go, may digicam na ko. Kaso avail this week, konti sales, daming entitled at declined, but still hoping…praying… I know will give that Olympus to me, Beth and Tina na tatak nun eh, hehe. There, need to get some sleep now, nakapagtanim na eh. Babush!

I want him dead first ^_^

September 7, 2009 free2shout copied from Friendster

I watched UP last week and also yesterday. You know what breaks my heart when I’m watching this movie? Its when Ellie died and Carl was left behind. I can’t imagine the pain of Carl when his loving wife passed away. With no child to take care of you. You’ll wake up in the morning without someone by your side. You’ll eat your breakfast alone, and the chair beside you is also empty. You will just stare at the pictures of your unforgetable memories with your wife/husband. Hay…what a sad feeling :(

It just came to my mind that when I already have a partner, I want him to die first, haha. Morbid? Nope, I just dont want him to experience the pain of loosing someone dear to you. Siguro, I can bear the pain, but for my husband, nope, I dont want him to experience that. I havent met him but I love him already ^_^…

Anyways, yeah, just like what I said in facebook, I’m inlike right now. But still fighting this feeling. Yoko nito, masaya ang may love life but not right now. Obvious ba na iniiwasan ko sya? Haha, di naman masyado, magaling ako dyan eh. Masaya ang dalaga, sobrang free, wag lang magiinarte ang kuya mo, haha! Lam ko naman na love lang nya ko, pero naman! Vente Uno na ako, nag tratrabaho na ko para sa sarili ko at alam ko na ang tama at mali. I can take care of myself already! Enways, I still like it, I can feel that they still care for me and still their bunso ^_^

Next Sunday, Ministry Highlight! Yeah! Dream come true, haha! Lead Vocalist ako, Ikit ang drummer, haidz ang bassist, geline ang guitarist, jam ang keyboardist, beth back up, ehgay, tadami and jason and mag tatambourine, so excited! We will go to Canyon Cave on the 21st, so excited too! Syempre bonding with the “Mongo” … You know naman na isa sila sa nakakapag paligaya sa akin ng lubusan, isama pa ang makukulit din na CORE leaders, sana nga makasama si deybed at ja-mes. sana pati ikaw kuya Stiv, grabe, dami ko na ding namimiss sa tropa, eto na ba talaga ang pag babago? Remember guys, we made a promise, tropa forever, magka bf/gf, asawa at apo man, solid pa din tayo, love you guys.

Ano pa ba? Eto super duper blessed sa work, ikaw na ayaw sa sales, naging high flier? Grabe, galing talaga ni Lord, minsan talagang hindi ko macontain yung greatness Nya at yung faithfulness nya sakin. Alam mo yun, kahit wala naman akong material things na hawak, di ko alam pero feeling ko sobrang content na ko. Wala pa sa kamay ko pero alam kong ibingai na sa akin ni Lord. Hay…been like this for 2 months already and want to be like this forever.

I’m just crazy inlove with Him ^_^

A Mans Heart Plans His Ways, But The Lord Directs His Steps

September 3, 2009 free2shout copied from Friendster

This is hundred percent true. This proves the sovereignty of our Lord. We have bunch of things in our mind and heart. Planned everything for the future, but if not God’s willing, “everything will slip through our folded hands” I’ve learned this alread. Place it in His hands, and you will be at peace. Trust everything to the Lord, you will never regret it. It may not be the way you planned it, nywy, you are not the author of your life! Your just a character. Full surrender, that’s what needs to be done, really hard to do, but you will reap its fruit in due time, be patient, stay strong and just trust Him!^-^

Just can’t contain it…

August 13, 2009 free2shout copied from Friendster

Yes, can’t contain it anymore, it’s an over flowing love and mercy from my Lord. Words are not enough to explain how great and might He is. He is changing me bit by bit by reading His Word… Every chapter, every verse, every word of His is a promise, 7000 promises (according to Geline), I only have few, and they satisfy me already. How much more if I have everything. I’ll go crazy :)

The Sweetest Feeling Ever :)

August 11, 2009 free2shout copied from Friendster

Falling in love, what else is sweetest than falling in love? And who doesn’t want to fall in love? Its sweet but painful as well, that is the fact that can never be changed. I love this feeling but I don’t want to have it. What I want to fall in love to my Creator, as of now … I’m happy with it, as of now

I don’t want to find him yet, but I think I already have, or I just I thought so? Our hearts are very deceitful. You can never tell when this feeling will go away. Experienced it a lot of time. Whenever I remember my past “feelings” towards “them”, I just can’t stop to smile and say, “ang baduy” , can’t believe that I did and say those things. I am not yet matured to get into a relationship, I know I’m not. But I am in love right now, just like what I said, I am crazy in love with my Creator, and I like it a lot.I don’t want this feeling to go away, I want to have till my last breath. I just can’t stop thinking about my God. How much I love Him and how much he loves me. I am so blessed… I am so loved… and I am so thankful…

I will lay it down to you, all of my hopes, all of my dreams and all of my best laid plans.. I give it all to you…

I love you LORD!

On Fire

July 28, 2009 free2shout copied from Friendster

“On Fire”

They tell you where you need to go
They tell you when you’ll need to leave
They tell you what you need to know
They tell you who you need to be

But everything inside you knows
There’s more than what you’ve heard
There’s so much more than empty conversations
Filled with empty words

And you’re on fire
When He’s near you
You’re on fire
When He speaks
You’re on fire
Burning at these mysteries

Give me one more time around
Give me one more chance to see
Give me everything You are
Give me one more chance to be… (near You)

Cause everything inside me looks like
Everything I hate
You are the hope I have for change
You are the only chance I’ll take

When I’m on fire
When You’re near me
I’m on fire
When You speak
And I’m on fire
Burning at these mysteries
These mysteries…

I’m standing on the edge of me [x3]
I’m standing on the edge of everything I’ve never been before.
And i’ve been standing on the edge of me
Standing on the edge

And I’m on fire
When You’re near me
I’m on fire
When You speak
(Yea) I’m on fire
Burning at these mysteries… these mysteries… these mysteries
Ah you’re the mystery
You’re the mystery

...Yes, I’m on fire, and I love it. Just like the first few months after I accepted Jesus Christ as my King and personal Savior. Again, another answered prayer. I was praying that I would be like before, always hungry to the Word, always wanted to read my devotion and the Bible. I love this feeling, I feel like I really love the Lord, which I really do. I am so thankful that we are now having the chronological reading of the Bible. There are so many names, ages and places in the Bible, but with God’s help, I was able to retain them in my mind. I am so thankful that I was able to know my God deeper. That I was able to see how merciful He is and how faithful He is with His promises. Once again, I would like to say that I do not have any regret that I became a Christian. I love the Lord ☺

Dell on Call

July 15, 2009 free2shout copied from Friendster

Welcome to Dell on Call… hay, until now still can’t believe that I am here at the 21st floor having training for Dell on Call. I really don’t want to be here. I get irate first before the customers do, haha, where is the fruit of the Spirit which is being patient tina? Setting that aside, I am not a sales person as well, I do not force people to get something specially if money is involve. I still can’t say that its God’s sign to me to resign and apply in Teletech. I’ve been praying about this if I will go home in Tagaytay already and get a job near Tagaytay. Before I knew that I will be transferred to DOC, I was praying early that day that “if ever” I will be stank rank for DOC or be transferred to XPS, that is GOd’s sign for me to resign. Would you belive that same night I was stank ranked to DOC. I am still confirming that sign, I also don’t want the people in CBG that I was imature that just because I was transferred I will resign. This is going to be the 3rd day of our training, and still not enjoying it. I miss my friends from Team Tin Po… I will try it here, I know that if its God’s plan for me to be here, He will give me the ability to perform my Job well…

Change topic, last June I attented True Love Wait, I said I don’t need that because I already have a covenant with God regarding that matter. Truly satan is always busy working. I never thought that I would feel that way towards him. I cant tell “it” to either of my friends in IHPCC. I am really fighting this feeling right now, because I don’t want to completely fall for him and then eventually get hurt, because I know its not the right time. I always pray to the Lord to remove that feeling. I want us to remain friends and treat him the same way as before. Carry naman, I know that God is helping me with that matter. Okay, enough of him…

Another topic, we are now having our Chronological Study of the Bible. Very exciting and fruitful as well, I was able to know my God more. How powerful and kind He is and how much he loves me. I’m excited to finish the Bible reading next year. I can say that its was my first time to spend time reading the Bible for 2-3 hours. I am excited to see the GANG leaders to be more equiped with the Word of God…

Okay, lunch time is over, still has lots of things to say, but let me continue next time ☺

FLU

June 16, 2009 free2shout copied from Friendster

Influenza A (H1N1) also A.K.A Swine Flu. Ang daming tawag eh lagnat lang naman. Grabe ang balita, akalain mong more than a hundred na namantay sa lagnat na yan. Minsan kapag napapanood ko ang bilang ng infected sa news, iniisip ko na malapit ng magrapture. Handa na ba ako? Feeling ko hindi pa, syempre confident ako na masasama ko. Pero hindi ko pa gustong mawala. Gusto ko pang magturo ng mga bata, mag lead ng youth kay Lord. May plan pa ko mag full time at higit sa lahat, di pa Christian ang family ko. Nawala na yung issue tungkol kay Katrina at Hayden. Magaling na si Richard from accident. Nakita na ang nawawalang kapatid ni Rochelle Barameda after 2 long years. Ipinaglalaban na wag matuloy ang Con Ass. Nagtataka ako bakit ang daming nanonood ng Boys Over Flower, eh pangatlong version na yun ng kwento ng F4. I must admit, maganda na Tayong Dalawa kahit di ako nanonood at di ako fanatic ng Gerald/Kim love team. And laki ng mata ni Santino pero ang ganda. Yung 1 liter of tears maganda daw, maganda ba yun, parang Endless Love lang yan, araw araw ka iiyak at pasasakitin ang puso mo. Kamukha ni Marian yung bida sa Rosalinda. Tapos tingin ko si Sheena Halili yung Jesse sa Full House (Pinoy Version) eh. Di ko napapanood ang Adik Sayo :( [pang gabi kase ako eh]. Paborit ko pa naman si Jolina, nakakalungkot talaga. Ang galing kumanta ni Charice, ang lupet! Pero lumalaki daw ang ulo nya. Patay na din si Dauglas Quijano, akalain mo no? Daming nangyayari sa mundo. Pero mas paborit ko na si Miranda Cosgrove, di ko alam kung bakit gustong gusto ko ang batang yun. Ako lang ata ang 21 year old fan nun. Eh kung ang artista kaya ako? Naging Sexy Star kaya ako? May Scandal din kaya ako? haha! buhay…