Marami akong group of friends... at madami din sa kanila ay matagal ko nang hindi nakikita. May iba na weeks na, months at karamihan ay years na. Dahil after namin na magkahiwalay ay naiba na ang landas ko sa kanila, met new friends na mas accessible sa kanila. But it doesn't mean na nakalimutan ko na sila. No one knows that from time to time I still remember them and the memories that I shared with them, and how much I hope na magkabonding ulit kami to look back at the memories of the past.
Kahit pala matagal na kayong hindi nagkikita, may tendency pala na magaway pa din kayo no? I didn't expect na ganun na pala kalaki ang tampo sakin ni Fean. Fean is one of my treasured friends. Bakit naman hindi, we were together sa NCST for 2 years. Sya ang unang naging kaibigan ko sa NCST hanggang sa naging kaibigan din namin si Joy at Jerica, at syempre ang grupo nina Karen. After two years I transferred in Manila. So nagkahiwalay na kami at mas naging close na sya sa iba pa. Syempre, nakakalungkot yun no, sa dami ba naman ng naranasan namin, kahit pa halos lahat dun ay kalokohan. That was year 2004 nung nag transfer ako. Pero kahit ganun, I really did my best na madalaw ko sila kahit pa magsinungaling ako sa bahay.
But that was before, iba na ang sitwasyon ko ngayon. Hindi na kagaya ng dati na kahit kelan pwedeng gumala kase studyante pa lang. Sinusuportahan ko na pamilya ko, nagtatrabaho na ko. As much I wanted to make gala, eh magpapahinga na lang ako. Less gastos pa diba? Na pwede ko pang ipandagdag sa grocery namin.
Hindi lang naman sa kanya o kanila na friends ko sa dasma. Kami ni Shirley, na super friend ko nung high school sa laguna. Everyweek eh natutulog ako sa kanila para lang magbonding. Ilang years na ba kaming hindi nagkikita? 5 years na ata, but we still remain friends. Kahit na hindi ko naman sya laging namemessage sa facebook. Wala namang tampo.
Ang mga mareh ko sa UE, we were together nung college for like 3-4 years. Rain or shine, we were still together. Tambay sa catwalk, mang trip ng mga nerds sa school, mag cut ng class para lang tumabay sa mcdo at magchismisan at higit sa lahat ang masalimuot naming thesis. After ng defense namin ng March 2008, September 2011 ko na sila ulit nakita. Sobrang dami nilang imbitation sakin na magkita sa Manila pero hindi ko magawa. Dahil wala akong panahon dahil sa work ko at gawain ko sa church. Pero hindi rin naman kami nag katampuhan.
Alam ko na iba ang sitwasyon ni Fean, nagtampo sya sakin dahil namatay ang tata nya noon at hindi man lang ako nakadalaw sa burol. Hindi ko na din maalala kung talaga bang hindi man lang ako nakapagpadala ng pakikiramay kahit sa text o FB man lang. Gustuhin ko man pumunta ng trece, hindi ko talaga magawa. That was the time na bago pa lang ako sa ttech at pang gabi ang sched, kaya after work tulog agad ako kase 2 hours pa ang byahe ko. My reason may not be enough to defend myself, but I don't think that will be enough to cut off a friendship that we treasured for so many years.
Ngayon, I have lots of time, lagi na nga ako umaabsent sa work ngayon eh, syempre regular na. Now I'm really making up to those friends na hindi ko nakita ng matagal na panahon. I went to Manila to see Aien, I'll be going to Laguna to see Shirley and the others at para dalawin na din ang lola ko. I'm actually planning to see Fean as well pero I just found out na may tampo pala sya sa akin. Even though, punta pa din ako sa 20th, sana lang papasukin nya ko sa bahay nila...
I love you Fean, you may not know it or feel it, but that is true. Madami man akong group of friends, pero ang weight nyo ay pare pareho lang, gaano man kaigsi o kahaba ang ating pinagsamahan...
No comments:
Post a Comment