Sobrang dami ng nangyari sa buhay namin after ng defense namin, hindi ko kase pwedeng sabihin na after namin grumaduate kase si Paul lang naman ang naka akyat ng entablado para kunin ang diploma nya. Si Negra nagkaroon na ng maraming first time nya... First boyfriend, first ligawan session, first date, kung anu ano pa at higit sa lahat... first heartache. Si arnie, may mga first time din siguro, di man alam ang buong details, one thing is for sure, may first baby na sya. Eh ako naman kaya, anong first time experience ko after UE? Parang wala naman talaga. Madaming new experiences pero nothing major. Unang akyat sa bundok, unang beses na pag ka counselor sa camp, first time mag ministry head. Ang mga first time na umiikot lang sa church, bahay, trabaho, friends at pamilya. Dito man sa konting bagay na to umiikot ang buhay ko sa ngayon, okay pa naman ako. Enjoy pa din ang buhay.
Sa kwentuhan namin ni Negra, pinaalala nya sa akin kung gaano ako kalala taong 2008. That will be the time na nag ti thesis kami, di na pumapasok sa school si Joanne, nagkasama kami sa Prosales ni Negra at bagong Christian ako. Siguro nga di lang ako aware na ganun ang ugali ko, ang sungit ko sa lahat, insensitive sa mga sinasabi ko, in short... hindi halatang Christian ako. Maybe somehow I'm a changed person na, the Lord changes His people glory to glory if they are willing to. Syempre willing naman ako. Would you imagine na dati eh tanggera pa ako sa inuman at para lang makasama ko sa tambayan ang crush ko eh nag aral pa akong manigarilyo. AT dahil nahilig ako sa rock music, naging emo pa ako. Got into piercings, naalala ko, nagpalagay pa ako sa dila, na nalunok ko lang naman. Kahit walang kasama manood ng concert, cge go pa din! Nakikipag slaman sa mga hindi mo naman kakilala. At kapag tinanong ni nanay kung saan ako galing, nag gawa kuno ng project. Ilang beses bang umiyak sakin ang nanay at kuya ko dahil kahit saang inuman dumadayo ako. Isa sa mga never forgotten session ay sa dasma, na bitbit ko pa si Anemic at Negra. Ito ang time na nahuli ako. Ilang beses na pagtambay sa Yes kasama si Jec at mga kaibigan nya. Hindi ko alam kung ilang barrel ang nauubos namin noon. Natatawa na lang ako pag naaalala ko ang nakaraan. Pero hindi ako proud na ginawa ko ang mga bagay na to.
Dahil ganyan ako dati, at ganito ako ngayon, it only proves that the Lord is so powerful and His power is so unimaginable kung paano nya kayang baguhin ang buhay ng isang tao. Pero syempre, may mga flaws pa din ako. Alam ko minsan eh masungit pa din ako at kapag to the highest level ang emotion ay nagiging insensitive pa din sa mga sinasabi. Kaya nga ngayon, I think before I speak.
Masaya ako na open na ngayon si Negra sa madaming pagbabago, at higit sa lahat yung willingness nya to know more Jesus. I bought her a book that can heal her broken heart and will let her know more about Him. Ayoko nga sana masyadong gumastos noon kase baka magipit sa budget, pero sabi ni Day, you have to invest as well sa mga kaibigan mo especially those are looking for Him. Kaya ayun, happy naman ako. Kahit na dumerecho pa ako sa Teletech after that for work, eh hindi man lang ako inantok habang nag ka calls.
So blessed to have so wonderful friends, I have set of mareh's, Day's, mga Tol ko sa laguna, Teh sa Bacoor at mga Men ko sa Dasma that I will be treasuring for the rest of my life.
I'm just so happy with the love of God and I can't contain it :)
No comments:
Post a Comment