.
nang dahil sa kuryente na yan, nag away kami ni tatay.
ang tagal ko na din palang hindi umiyak... nilinis ni Lord ang mga mata ko.
habang naglalakad ako papunta ng wilderness... di ko mapigil ang pag tulo ng luha ko :(
sobrang excited ako na off ko na...excited ako umuwi ng tagaytay para makasama si tatay, at ang una kong nakita ay ang pag jumper ng kuryente na yan. wala pa kong tulog at na pagod sa byahe, ay uminit naman talaga ang ulo ko, nasabayan pa na bagong gising din si tatay...
and as usual, napaka insensitive na naman magsalita ni tatay, layasan ko nga
wala pa kong balak pumuta sa wilderness eh, napa impake tuloy ako.
ang dami kong nadeadma sa daan, panu ba naman...
ayaw talaga tumigil sa pagpatak ng luha ko, kumikirot ang hart ko.
sa lahat ng ayaw ko eh yung nag aaway kami ni tatay...ayan, naiiyak na naman ako.
magkasama sana kami sa bahay ngayon, nag kekwentuhan... bwisit na kuryente yan.
sayang yung pinya na ibibigay sana sakin ni ka susing, at dahil namamaga na ang mata ko, deadma ulit
pati ang paborit ninang ko, deadma din...
at ikaw kuya, kung sino ka man na sutsot ng sutsot sakin, kung hindi mo alam ang pangalan ko eh wag mo na akong tagawin., deadma din sya. echusero, kala mo naman eh ichichika ko sa kanya ang pag iyak ko
aba, 800 meters na lakad din ang ginawa ko, habang umiiyak...
masakit sa hart... nararamdaman ko until now
tampo ako sayo tay, pero lab pa din kita.. alam kong alam mo yan
sa lunes na ko uuwi, cool off muna tayo
No comments:
Post a Comment