Wednesday, February 14, 2024

Tough Start of the Year

Dec 17th 2023,  I was giving my thanks to the Lord during the church monthly birthday celebration. One of things I was thankful for was that the year went well and I didn't have any problem at all. Now, thinking about it, that's one of the reasons kung bakit naging complacent ako sa spiritual life ko. Because there's nothing to pray for, I stopped praying. And even meditating on God's Word. 


The next day was my birthday, Dec 18th. Waal akong planong maghanda or lumabas dahil tight ang budget. Pero dahil sa mapilit ang mga kapatid ko, napilitan mag decide kahit dinner lang. That's when I got into an accident and the front of the car was really damaged. Still thankful to the Lord na walang taong nasaktan. But I was so frustrated up to now kase hindi pa din nagagawa ang kotse. Marami akong what ifs that time. 

The new year came, I was very thankful still to the Lord dahil hindi ako nawalan ng schedule sa work kase more than half ang laging walang schedule kapag start ng year. 2024 schedule ay naka fri sat off ako whuch makes me more prepared physically sa outreach. I am very happy sa work schedule ko. But just today, nalagay na naman ako sa weekdays off. I've been crying the whole day kahit nung nah da dial ako. Just to think na hindi ako makakasimba, breaks my heart at natatakot ako what would become of me if I will miss worshipping on the Lord's day. Today I am so tired physically and mentally. Nagagalit ako kay Gilbert, sa unfairness sa work. Wala akong malapitan sa work dahil wala naman akong backer, I can only rely on God na ma approve ang request ko kahit Sunday off lang. This made me pray more. 

Since September last year, I've been praying sa Lord patungkol sa aking single life. I never thought na mabo broken hearted ako kahit wala naman akong lovelife. I waited for so many years na akala ko he is just waiting for the right time to pursue me. I was wrong, asyumera talaga ang mga babae. I have mixed feelings hindi lang sa kanya kundi sa mga kapatiran. I felt betrayed dahil sa nakikita kong support nila sa niretong babae. Pero dahil calvinist ako, I believe in the sovereignty of my God. I may be destined to live a single life, find love in old age, hindi ko alam pero I trust the Lord sa plano nya sa buhay ko. I'm hurting, but that made me pray more and trust in Him alone. 

Kaya the start of this year ay talagang mahirap para sa akin, in contrary to what I have experienced last year. The pain in heart minsan it feels so real na naiiyak na lang ako. But despite of all these things na pinag dadaanan ko ngayon, there's no one I can rely on but the Lord. It made me seek His Words and come to Him in prayer more. Alam ng Panginoon ang kailangan ko para hindi ako maligaw ng landas. I look forward kung paano ko malalagpasan ang mga bagay na to knowing that the Lord will be with me.

O LORD, in your strength the king rejoices, and in your salvation how greatly he exults! 

 You have given him his heart's desire and have not withheld the request of his lips. Selah

For you meet him with rich blessings; you set a crown of fine gold upon his head.

He asked life of you; you gave it to him, length of days forever and ever.

His glory is great through your salvation; splendor and majesty you bestow on him. 

For you make him most blessed forever; you make him glad with the joy of your presence. 

For the king trusts in the LORD, and through the steadfast love of the Most High he shall not be moved. (Psalm 21:1-7, ESV)

Wednesday, June 30, 2021

Tatay

It’s over one month simula nang mawala si Tatay. Not a day pass by na hindi ko sya naiisip at hindi ko mapigilan na hindi maiyak. It’s just so hard to believe na wala na talaga si Tatay. Minsan feeling ko uuwi sya ng gabi galing sa gilingan, tas manonood kami sa Netflix gamit ang mirroring ng phone nya. 

It’s still painful tuwing maalala ko ang mukha nya habang nandoon kami sa kwarto na yun. Yung hirap nyang huminga hanggang sa pumikit na mata nya. Anong nasa isip nya ng mga oras na yun. Sinasabi ba nya “Nine, bakit wala pa din sila ginagawa? Hirap na hirap na ako.” 

Bumabalik na naman ang mga regrets. Na sana dinala ko na lang sya sa private hospital at hindi ko na inisip ang bayarin para na admit sya ng maayos at nagamot. Na kahit ibenta ang lupa ay ginawa ko para lang nagamot sya. Sana hindi ako nagiisa ngayon. Sana magagawa pa namin ang napakarami naming plano. 

Hindi ko alam paano ko malalagpasan to. Araw gabi ako umiiyak sa Panginoon na ibsan nya ang sakit na nararamdaman ko, pero sa tuwing makikita ko ang mga bagay na konektado kay tatay ay hindi ko mapigilan na maluha at bumabalik na naman ang sakit.

Sana Tay alam mo kung gano kita kamahal. Lahat ng desisyon na ginawa ko ay dahil sa gusto na bumuti ka. Ito na lang siguro talaga ang pinagkaloob sa atin ng Panginoon. Kahit napakahirap tanggapin, kahit ilang araw lang tayo nagkasama paguwi ko, nagpapasalamat pa din ako sa Panginoon na nakauwi na ako bago ang pagpanaw mo. 




Thursday, May 27, 2021

Tatay

May 25th, 2:40am at Trece Martirez, Tatay passed away while waiting to be admitted sa ER PUI. It feels like a dream. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na wala na si Tatay. Ang reason bakit umuwi ako. Para makasama at maalagaan sya. Nakasama ko sya ng 17 days, inaagaan ko sya ng 1 week. Hindi ko akalain na magiging ganun kabilis ang lahat. 

Tatay tested positive sa Covid. Minsan iniisip ko pa din na baka ako ang nagbigay ng Covid sa kanya kahit pa nag negative na ako bago umuwi. O pinauwi muna ako ng Panginoon bago mangyari to. Maraming tanong sa isip ko, maraming regrets. Sana nag strict quarantine ako pagdating ko from hotel. Sana hindi kami nag away nung Friday na maganda na ang pakiramdam nya. Sana hindi sya umalis ng bahay at nagpunta ng tindahan. Sana hindi sya napagod at nabinat. Sana hindi sya nagpagod at nagbuhat sa Mendez. Sana tinulungan sya ni Kuya. Sana hindi ako pumayag na ilipat sya sa Trece. Napakarami kong sana na iniisip kong nagpaiba sa kalagayan namin. 

Pero ito ang providence sa amin ng Panginoon ngayon. Kahit napakahirap tanggapin, ito ang binigay sa akin ng Lord at wala akong karapatang iquestion ang kalooban ng Panginoon. Cremated si Tatay without wake, na lalong nagpapasakit sa kalooban ko. Alam kong ayaw ni Tatay ng cremation pero wala kaming choice. Hindi man lang makapunta ang mga pamilya at kaibigan. Discriminated pa kami ng kapitbahay namin dahil iniisip nila may Covid kaming lahat. Alam kong malalagpasan ko ang lahat ng ito. Sa ngayon, the weight is too much for me to handle na iyak na lang nagagawa ko. 

Lord, help me to trust you even in this dark and difficult times. Help me to turn my eyes upon Jesus. Help me not to be blinded and discouraged of my current affliction. I can only pray for Tatay, that you granted salvation for his soul, that he is with you now in Heaven

Forgive me Tay, for not loving you as I ought to love you. Forgive me for not being patient and loving. Forgive me for making wrong decisions which caused this to happen. I hope you know that you are the reason of all my hard work. You are the reason why I came back home. You are my life but now that you’re gone, I feel a little lost. Lord help me to stay in your path, continually trusting You. Heal my heart Lord, it’s too much for me to bear right now. 






















Wednesday, May 19, 2021

May 2021

 

Late post. May 1st ko pa tinype pero 19th na napublished 😅


Today is the day I am going back home. Like literally I am on the plane at this moment. It still feels surreal that I am on my way home. 4 years of working in Korea. It was tough, really tough. Mahirap malayo sa pamilya at mag isa lang abroad. But the Lord was really gracious to me na sa four years ko sa Korea ay nothing serious happened to me, aside sa mga bicycle accidents ko hahaha. But overall, everything went well for me. Maayos na work, good friends at visa that made me able to go on vacation twice a year. I’ve experienced so much din, full experience talaga. Madami akong na experience sa culture, food at mga tourists spots. Ilang beses ko din na experience ang four seasons. So no regrets na talaga ako. 


Dami nagtatanong kung sure na ba daw talaga ako na umuwi. Pandemic kase at mas maayos sa Korea compared to Pinas. Honestly, may konting kaba pa din naman ako. Like paano kung biglang mag close ang CCMG. Lagi kaseng hold ang contract. Paano kung matanggal ako or hindi ko kayanin ang work na yun. May mga ganun din akong alalahanin. Pero sa buong buhay ko, hindi naman nagkulang sa akin ang Lord. Ngayon pa ba na pagkain na lang ang aalalahanin namin. So may peace sa heart ko na everything will be okay sa paguwi ko. 


Sobrang excited ako sa newly renovated house, sa bonding kasama mga kapatid ko at mga pamangkin. Holidays and celebrations na buo na. Lord’s day with the brethren at bonding with my friends. Excited din ako mag work from home sa mas maayos na bahay. Yung after work eh may pagkain na tas sa hapon pupunta sa bahay mga pamangkin ko. Haysss... I can already imagine. 





Friday, April 9, 2021

April 2021

2 months has passed already. Nung Feb after ko mag start sa CCMG ay inip na inip ako kase 3 months pa bago ako umuw. Ngayon eh 3 weeks na lang, flight ko na. Napaka bilis naman ng panahon. 

Lagpas na one year at nandyan pa din ang Covid. But thankfully may vaccine na. Atleast magkakaroon na ng konting ease and hopefully unti unti ng bumalik sa normal ang buhay ng mga tao. 

Medyo nalulungkot na din ako kase aalis na ako kina Aveline. Mamimiss ko ang pamilya na yun na sobrang bait sa akin. Bago ako umalis ay mag Lotte World ulit kami as my farewell trip. Sa last 3 days ko dito sa Korea ay mag Jeju Island din ako. 

Pero syempre mas excited akong umuwi. Tapos na ang bahay namin at excited na din ako mag decorate ng room ko para sa aking work from home. I am hoping na hindi macancel ang aking flight. Makapag register din sana ako sa OWWA para free ang aking quarantine pag uwi ng Pinas. 

So many things have happened this year too. Until now ay unconcious pa din si Tita Carol. Namatay parent ni Deacon Dello. Namatay mama ni Joshua Hernandez. May cancer si Pastor Rene. Nakakalungkot pero sa kabili nun ay may comfort pa din galing sa Panginoon. 

I don't what my life will be like paguwi ko ng Pinas. 4 years din ang lumipas and ofcourse things won't be the same anymore. Isang bagay na ayaw kong mag stay the same ay ang aking pagiging stagnant na Christian. I pray things will be different when I come back home. 


Thursday, February 4, 2021

February 2021

At natapos na nga ang January ng taong ito. Grabe, parang ilang iglap lang eh second month na, then mamukat mo eh December na ulit. How would this year be different from last year kaya? Well, one thing is for sure, uuwi na talaga ako ng Pinas soon 😊 

TS: 02/05/21, 12:14pm

Last Sunday nirefer ako ni Stacey sa Upwork, sa wfm job nya. Thankfully nahire naman ako. Earlier was 3rd day training and first live call. By God’s grace, nakarami naman ako. Truly the Lord is so gracious to me na hindi nya ako hinahayaang maging kulelat saan man nya ako dalhin. Problema lang ang internet connection sa Tagaytay paguwi ko. Uuwi na ako ng March or April pero walang home broadband na makuha.

Excited na ako umuwi, with this new job, there is no more reason to stay here. I can’t wait to be back home. I thank the Lord for providing everything that I need despite of my unfaithfulness in Him. 

Sana later ulit makarami ng calls 😄





Thursday, January 14, 2021

Welcome 2021

A new year has started. 2020 was indeed a difficult year for many. It started with the Taal Volcano, the virus and numerous typhoons and floodings. 2021 na pero nandito pa din ang virus and not so many countries have access and capability to purchase the vaccine. But despite of all those things, I can still say that the Lord remained faithful. Last year was also the year na naaksidente ako sa pagbabike. I had to suffer of several weeks of pain and discomfort, but it was during those times I felt more God’s love and faithfulness. 

With this new year comes new hope as well. Kahit pa it started once more with worries, my heart is still filled with hope dahil alam ko that this year my God will continue to be faithful. Nasa last appeal na ako sa visa and I need to pay 510K won for the process pero 3 months lang ang assured visa. This year will also be the year na uuwi na ako for good. I can’t wait! I am hoping na makapasok din ako sa Upwork bago matapos ang visa ko. Since last year, araw araw ko naiisip ang paguwi ko for good. I am also hoping sa big event paguwi ko hahaha. So many signs tapos paguwi wala pala 😅 

Pero habang nandito pa eh enjoy kahit konti. Sobrang lamig pero dahil last winter ko na to eh maeenjoy ko ng sobra ang snow. Sana makapag Jeju at Busan bago umuwi. Kailangan na bilisan ang pagiipon para anytime makauwi na. 

It’s been 10 years since I started this journal. And with those 10 years, it’s very visible that the Lord was faithful and still faithful in my life. 

Thank you Lord. It is my heart’s desire that my love and faith for you will continue to grow deeper and stronger as age. 

Thursday, December 3, 2020

COVID-19

Dati nasa movies lang ang mga ganyang virus, pero ngayon nasa tunay na buhay na. I thank the Lord na sa milyon milyon na nag positive sa virus na ito ay wala ni isa sa pamilya ko. So blessed sa good health. Daming challenges umpisa pa lang ng 2020. Naging blessing din ang paguwi ko ng February kase matatagalan pala ang next. So ngayon ay nag aappeal na ako sa court. May online classes din for extra income. In April got a new house with overlooking Han River pa. Dahil naging whole day na ako sa work, buti naman nag ka increase na ako. August nagkabati na din kami ni Stacey. A fews later naaksidente ako, bike colossion. Grabe ang black eye ko hahaha. 

Umuwi na si Nanay Minda. Level up na si Merlie at Alex.

Isang malaking lesson talaga na wag mag aasawa ng hindi tunay na Christian or else, you will live in misery. 

So ngayon ay December na. So glad na nakapasok sa Upwork si Faye. Training at live nya tonight. I hope makaya nya. Para next na ako next year. 

My goodness! 33 na ako in two weeks 😄😂

Excited na ako umuwi summer next year!~



Sunday, March 1, 2020

Goodbye Lolo

January 29, 2020... Pumanaw na ang nagiisang lolo na nakagisnan ko. Hindi ko man sya tunay na lolo sa dugo pero kung may hihigit pa sa tunay na lolo, yun ang love ko para sa kanya. 

I have so much regrets. Hindi ko sya nabisita nung umuwi ako ng Pinas last August. Sana yun ang naging huli naming pagkikita. Hindi na matutuloy ang plano ko na dalhin sya sa Tagaytay paguwi ko para doon ako na mag aalaga sa kanya. Sorry lo, hindi mo man lang narasanan ang maalwan na buhay bago ko nawala. 

Kaya kahit gipit ako sa pera, pinilit ko umuwi ng Pinas para mailibing ka. Yun na ang pinaka huling magagawa ko para sayo. Na kahit paano, isa sa pinakamamahal mong apo ang nag asikaso sayo sa huling araw mo dito sa mundo. Lagi pa din kita naalala. Yung mga panahon na malakas ka pa. Yung reunion natin na nagpupunta tayo sa beach. Malinaw pa sa alaala ko yung time natin sa butong. Yung gabi na binuhat mo kaming apat na apo mo sa braso mo kase ang lakas lakas mo pa nun. 

Mahal na mahal kita lo. Hindi ko alam kung kasama mo na ang Panginoon ngayon. Yun ang prayer ko. At mananatili ka palagi sa puso ko. 









Tuesday, January 21, 2020

2020 Update

January 12, 2020 ay pumutok ang bulkan taal. Hindi ko pa napuntahan ay nawala na ang tubig sa caldera.






January 20, 2020 ay hindi ako naka extend ng visa ko. Feb 28th expire na. Haysss, di ko pa alam ang next. Uwuian na. Excited naman ako umuwi.

January 22, 2020 - nag create ako new FB account.