Sunday, March 1, 2020

Goodbye Lolo

January 29, 2020... Pumanaw na ang nagiisang lolo na nakagisnan ko. Hindi ko man sya tunay na lolo sa dugo pero kung may hihigit pa sa tunay na lolo, yun ang love ko para sa kanya. 

I have so much regrets. Hindi ko sya nabisita nung umuwi ako ng Pinas last August. Sana yun ang naging huli naming pagkikita. Hindi na matutuloy ang plano ko na dalhin sya sa Tagaytay paguwi ko para doon ako na mag aalaga sa kanya. Sorry lo, hindi mo man lang narasanan ang maalwan na buhay bago ko nawala. 

Kaya kahit gipit ako sa pera, pinilit ko umuwi ng Pinas para mailibing ka. Yun na ang pinaka huling magagawa ko para sayo. Na kahit paano, isa sa pinakamamahal mong apo ang nag asikaso sayo sa huling araw mo dito sa mundo. Lagi pa din kita naalala. Yung mga panahon na malakas ka pa. Yung reunion natin na nagpupunta tayo sa beach. Malinaw pa sa alaala ko yung time natin sa butong. Yung gabi na binuhat mo kaming apat na apo mo sa braso mo kase ang lakas lakas mo pa nun. 

Mahal na mahal kita lo. Hindi ko alam kung kasama mo na ang Panginoon ngayon. Yun ang prayer ko. At mananatili ka palagi sa puso ko. 









No comments:

Post a Comment