2 months has passed already. Nung Feb after ko mag start sa CCMG ay inip na inip ako kase 3 months pa bago ako umuw. Ngayon eh 3 weeks na lang, flight ko na. Napaka bilis naman ng panahon.
Lagpas na one year at nandyan pa din ang Covid. But thankfully may vaccine na. Atleast magkakaroon na ng konting ease and hopefully unti unti ng bumalik sa normal ang buhay ng mga tao.
Medyo nalulungkot na din ako kase aalis na ako kina Aveline. Mamimiss ko ang pamilya na yun na sobrang bait sa akin. Bago ako umalis ay mag Lotte World ulit kami as my farewell trip. Sa last 3 days ko dito sa Korea ay mag Jeju Island din ako.
Pero syempre mas excited akong umuwi. Tapos na ang bahay namin at excited na din ako mag decorate ng room ko para sa aking work from home. I am hoping na hindi macancel ang aking flight. Makapag register din sana ako sa OWWA para free ang aking quarantine pag uwi ng Pinas.
So many things have happened this year too. Until now ay unconcious pa din si Tita Carol. Namatay parent ni Deacon Dello. Namatay mama ni Joshua Hernandez. May cancer si Pastor Rene. Nakakalungkot pero sa kabili nun ay may comfort pa din galing sa Panginoon.
I don't what my life will be like paguwi ko ng Pinas. 4 years din ang lumipas and ofcourse things won't be the same anymore. Isang bagay na ayaw kong mag stay the same ay ang aking pagiging stagnant na Christian. I pray things will be different when I come back home.
No comments:
Post a Comment