Parang kelan
lang, kasama pa namin si Kuya Nestor. Nakakalungkot na just after few months
of fighting cancer, kinuha na sya ni Lord. Medyo nainggit ako sa kanya, kase
makakasama na nya si Lord. Wala ng pain na mararanasan, worship na lang sya sa
Heaven. Pero di ko pa naman gusto madeds ng ganito kabata, alam ko dadating din
ako sa time nay yun pero sa ngayon alam ko na madami pang gustong ipagawa ang Lord.
So last year, nung magkasakit si Ptr. Clave at Kuya Nestor, one of my ultimate prayer is kapag dumating sa buhay ko ang ganung pangyayari is I'll be strong in my faith and I will trust Him no matter what. It never came into my mind na agad agad akong itetest ng Lord. Just a week after New Year, na mild stroke si Tatay dahil sa pagkakabagok nya nung 1st. Masakit makita na yung taong mahal mo ay in pain at wala kang magawa para mawala yung sakit na nararamdaman nya. Minsan sa prayer ko, wala na akong masabi dahil nasabi ko na lahat sa Lord and nararamdaman ko. Pleading for healing, asking why at praying that I won't let go. I thank the Lord and the people who prayed for me and my father, our two weeks battle has finally ended. Getting better na and pudra ko, masungit na ulit haha.
Faithful talaga ang Lord, kahit na unfaithful tayo.
I just want to remember this part of my life. It proves that the Lord hears and He is always sovereign. Kahit di nasagot ang tanong ko kung bakit kinuha nya agad si Kuya Nestor, I still trust His perfect plan sa buhay ko at sa buhay ng mga taong importante sakin.
No comments:
Post a Comment