Saturday, December 28, 2013

2013 Year End Journal

March 2013 pa pala ang last post ko sa blog na to. More than half year ago na yun ah. So many things happened. Up and down, haha!

So after the summer camp, new school year started. At sa taon na ito, naging studyante ulit ako. 5 months na sulit na sacrifice dahil nakagraduate na din ako sa wakas :) Last sem na may Physics 2, na TTH ko na lang iniiyakan at pinag pepray na nawa ay makapasa. TREND na nose bleed na ako sa pag gawa ng games, pero nalagpasan with 1.75 grade. O diba? Two math subjects, at isa si Maam Gatus sa mga prof ko. Higit sa lahat, ang battery exam na laging dahilan ng delay sa pag graduate ng maraming CCSS students. Ito ang limang buwan ng buhay ko na puyat, pero hindi naman pumayat, nu ba yan. Haha!

3am shift sa work, full 8 hours. Needed to wake up ng 1:30am para di malate sa work. After shift, tulog lang ng konti, minsan allowance para mag aral then off to school naman hanggang 7:30pm. 4-5hours na sleep every night! Kapag naaalala ko sya, I cant believe na nalagpasan ko yun. With Saturday class pa until 11am bago umuwi ng Tagaytay tapos derecho sa outreach which I always look forward :-) Isa sa mga nagpalakas sa akin sa mga panahon na ito ay ang mga bata na masayang nag aaral ng Word of God. Sunday, the most important day of the week. Minsan Sunday School teacher, minsan attendee. After service, lunch lang then Bible Reading naman. Can't believe na updated pa din ako kahit dami ginagawa. Ang rest ko? Sunday afternoon for about 3 hours. Kase by 8pm, luluwas na ako para matulog sa Teletech dahil 3am ang shift. Medyo na pa proud ako sa sarili ko na nalagpasan ko ang lahat ng ito pero mas thankful ako dahil tinulungan ako ni Lord during this time. Iyak lang kay Lord kapag nahihirapan na :-)

First time ko din nahospitalize dahil sa isaw. Bakit to naging blessing? Dahil dito ko napatunayan na handa na akong mamatay. Na ano man ang magyari, kay Lord ako pupunta. At dahil din sa experience na ito, narealize ko na si Lord lang talaga ang importante sa mundong ito. Everything is meaningless unless done for Him and for His glory. Dito ko na realize na we should serve the Lord the fullest, hindi konti konti lang. Everyday, isipin natin na yun na ang last day para paglingkuran sya.

This year, alam kong naging blessing din naman ako sa buhay ng mga kawork ko. Kagaya ni Tianak, Sol at Cams. Na aamaze akong isipin na ang isang katulad ko na makasalanan din ay gagamitin ni Lord para ishare ang Gospel. Thank you Lord for giving me an opportunity to share Your love to these people and I am just so excited on how You are going to work in their lives. Have I mentioned na Christian na din si Ate ko, Norvin, Nanay at Dadi? Ang galing diba? Still praying for Tatay and Kuya. 

Ministry... as always, this is one of my ultimate blessing. Ang house church with my partners Tin and Alva with those faithful kids. This house church is indeed a reward for us. Di ko maimagine ang joy ng Lord sa mga batang to. Ang daming outreach ng First Step! Growing talaga ang children's ministry. At ang Bible Reading na talagang nakatulong para mas lalo kong makilala si Lord and also helped to change me from glory to glory. Abundant talaga ang love ng Panginoon.

And for the last quarter ng taon, napakaraming trials, disaster at kalamidad ang nangyari. Ang Pork Barrel scam ni Napoles, gyera sa Zamboanga, lindol sa Cebu at Bohol, nahulog na bus sa Skyway at Typhoon Yolanda. Marami ding trials sa buhay ng mga taong importante sakin. Ptr. Clave na na stroke, praise the Lord for healing him. Si Ate Lorie na may breast cancer at my beloved Kuya Nestor. Kapag naiisip ko ang mga bagay na to, I can't help but ask the Lord why He allowed these things to happen. Pero naiisip ko din bigla, I can never question the will of the Lord. Prayer for these people, that's the best thing I can do. 

Nag Puerto Galera at Boracay din pala ako this year. Na amaze na naman ako sa creation ng Lord na walang kapantay. At first marathon ko ang Nike We Run MNL. 10K in 1hr 29mins. So proud of myself :))

And last but not the least, ang highlight ng 2013 ko. My first mission ever!

Dahil sa laki ng pinsala ng Typhoon Yolanda, heartbreaking ang bawat news tungkol dito. First reaction mo ay maawa sa kanila, sa buhay, bahay at hanap buhay na nawala. At naisip ko, di sapat ang awa, ang emosyon para sa kanila, kailangan ng aksyon. Thanks to Jam, nainvolve ako sa mission ng VOH. Pumunta ako ng Leyte para mag turo ng mga bata. And I do not regret going there though it took so much of my time and resources. Kulang ang lahat ng sacrifices para tumbasan ang experience at kung pano nangusap ang Lord sakin during this mission. 

But one of the things I've learned... give everything to Him. The ultimate sacrifice that we can offer, our life. 

Thank you, Lord. Kahit wala pa ding love life :-) I guess this will be my highlight next year haha! Thank you for molding me to be the person you want me to be. Thanks for all the blessings in my life. Thank you for making my life complete and thank you for always loving me.

I love you with all my heart ♥♥♥

No comments:

Post a Comment