BigHeart Farms - 2nd Annual Kids Camp. Natapos na today ang 3-day camp namin. Sa tatlong araw na nakasama mo ang mga bata, parang ayaw ko na silang pauwiin :-D Gusto ko aral, kanta at laro na lang kami. Hay... kung pede lang sana. Yung heart burn ko today, broken heart talaga yun kase umuwi na mga bata :( Haha. Super saya talaga dahil nakakatuwa ang mga bata. Napaka iinosente nila kahit may kakulitan. Ang sarap kausap, feeling ko bata pa din ako :) Para sakin, sila ang good ground na masarap pagtaniman. Kahit makukulit, nakikinig yan. Kahit lagi lang nakangiti pag tinanong, alam ko na may naunawaan pa din. Nakakabless ang camp lalo na't may mga bata na nakilala si Jesus at nauunawaan kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa kanila sa cross. Kapag naaalala ko ang mga mata ng mga bata habang nakikinig sa lesson, naaamaze pa din ako. Sobrang saya na di ko kayang iexplain dahil may mga bata na nagkaron ng bukas na puso pata tangapin si Jesus as their Lord and Savior at may desire na malinis ang kanilang mga puso.
Sa tuwing magtuturo ako ng mga bata, desire ko na mapasaya ko si Lord as a little way of saying "thank you" sa goodness nya sa buhay ko. Pero at the end of the day, ako pa din ang nabebless. Lagi kong tinatanong, bakit ako ang napili ni Lord na maging instrument para ishare ang Gospel sa mga batang to? Ang dami na mas talented sakin. Ano bang kaya kong gawin? Eh di nga ako marunong sa instrument, kumanta o mag drawing man lang. Pero lagi pinapaalala sakin ni Lord na kahit ganito lang ako, iba ang puso ko sa kanila. And the Lord has equipped me para maging effective teacher sa mga bata.
Thank you, Lord. Kulang ang salita at gawa para iexpress ang pasasalamat ko. Salamat Lord, kase dahil sayo nagkaroon ng kulay ang buhay ko. Dahil sayo, nagkaroon ako ng saysay dito sa mundo. Thank you, Lord, for putting a purpose in my life. Kung mauulit man ang buhay ko, isa lang ang gusto kong mabago, yun ay ang makilala kita ng mas maaga para mas matagal ang panahon na mapaglingkuran kita. Kung may napakataas na salita na pede kong gamitin para iexpress ang pasasalamat ko Sayo, yun ang gustong sabihin ng puso ko ngayon. Mahal na mahal kita, Panginoon.

No comments:
Post a Comment