Friday, February 28, 2014

Year of Testing

2013 was definitely year of blessings. Ganun pa din naman ang year na to, full of blessings naman everyday.

Last blog ko, I wrote na I have been tested nung na mild stroke si Tatay. I thought it was the end of it. Balik na sa usual na ginagawa... work, rest, church, ministry and family time. Hindi pa pala. 

First week of Feb, inatake na naman ako ng sakit ng tiyan. So nag pacheck up na ako sa Gastroentorologist. That's when I found out na may gallstone pala ako kaya laging sumasakit ang tiyan ko. Ang solusyon? Operasyon. Hindi ko pa to ginawa dahil natatakot ako. So I did yung 3 days detox na nakapag paalis ng gallstone nina Sir Chris. Kaya lang, after ko sya gawin, para pa din akong bloated, masakit pa din ang tiyan ko. In just 2 weeks, 5 kilos na ang nawala sakin. 

Hindi pa din nawawala ang hilo ko. Ang daming nararamdaman, ang daming di pedeng kainin. Minsan wala na lang akong maiisip kase alam ko naman malalampasan ko din to. Kapag naiisip ko si Ptr. Clave at Ate Lorie (na kinuha na din ni Lord), anong icocomplain ko? Hanggang ngayon naman humihinga pa ako, nakakapag serve pa din. Isang detox pa, mawawala na to, papayat pa ako hehe.

So last Feb 25th, nag entrance exam na ako sa PNU. Kabado much talaga, wala akong idea sa format ng exam. Nung exam na, I was relieved na usual entrance exam lang sya. Kaya lang, time pressure kaya mahigit 30 items ang hinulaan ko nung kinuha na ang questionnaire. Hay Lord, alam Nyo na po ang prayer ko :))

2 weeks ng madaming OT, kase stay in sa work haha! Nag away kase kami ni mudra last2 week kaya hiwalay muna kami. 

Though this year is a year of testing my faith, I am still looking forward how the Lord will change me. I know after this year, I will never be the same again. 

Ay naalala ko, may frog crush pala ako :)) Arte lang!


No comments:

Post a Comment