Wednesday, June 30, 2021

Tatay

It’s over one month simula nang mawala si Tatay. Not a day pass by na hindi ko sya naiisip at hindi ko mapigilan na hindi maiyak. It’s just so hard to believe na wala na talaga si Tatay. Minsan feeling ko uuwi sya ng gabi galing sa gilingan, tas manonood kami sa Netflix gamit ang mirroring ng phone nya. 

It’s still painful tuwing maalala ko ang mukha nya habang nandoon kami sa kwarto na yun. Yung hirap nyang huminga hanggang sa pumikit na mata nya. Anong nasa isip nya ng mga oras na yun. Sinasabi ba nya “Nine, bakit wala pa din sila ginagawa? Hirap na hirap na ako.” 

Bumabalik na naman ang mga regrets. Na sana dinala ko na lang sya sa private hospital at hindi ko na inisip ang bayarin para na admit sya ng maayos at nagamot. Na kahit ibenta ang lupa ay ginawa ko para lang nagamot sya. Sana hindi ako nagiisa ngayon. Sana magagawa pa namin ang napakarami naming plano. 

Hindi ko alam paano ko malalagpasan to. Araw gabi ako umiiyak sa Panginoon na ibsan nya ang sakit na nararamdaman ko, pero sa tuwing makikita ko ang mga bagay na konektado kay tatay ay hindi ko mapigilan na maluha at bumabalik na naman ang sakit.

Sana Tay alam mo kung gano kita kamahal. Lahat ng desisyon na ginawa ko ay dahil sa gusto na bumuti ka. Ito na lang siguro talaga ang pinagkaloob sa atin ng Panginoon. Kahit napakahirap tanggapin, kahit ilang araw lang tayo nagkasama paguwi ko, nagpapasalamat pa din ako sa Panginoon na nakauwi na ako bago ang pagpanaw mo. 




Thursday, May 27, 2021

Tatay

May 25th, 2:40am at Trece Martirez, Tatay passed away while waiting to be admitted sa ER PUI. It feels like a dream. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na wala na si Tatay. Ang reason bakit umuwi ako. Para makasama at maalagaan sya. Nakasama ko sya ng 17 days, inaagaan ko sya ng 1 week. Hindi ko akalain na magiging ganun kabilis ang lahat. 

Tatay tested positive sa Covid. Minsan iniisip ko pa din na baka ako ang nagbigay ng Covid sa kanya kahit pa nag negative na ako bago umuwi. O pinauwi muna ako ng Panginoon bago mangyari to. Maraming tanong sa isip ko, maraming regrets. Sana nag strict quarantine ako pagdating ko from hotel. Sana hindi kami nag away nung Friday na maganda na ang pakiramdam nya. Sana hindi sya umalis ng bahay at nagpunta ng tindahan. Sana hindi sya napagod at nabinat. Sana hindi sya nagpagod at nagbuhat sa Mendez. Sana tinulungan sya ni Kuya. Sana hindi ako pumayag na ilipat sya sa Trece. Napakarami kong sana na iniisip kong nagpaiba sa kalagayan namin. 

Pero ito ang providence sa amin ng Panginoon ngayon. Kahit napakahirap tanggapin, ito ang binigay sa akin ng Lord at wala akong karapatang iquestion ang kalooban ng Panginoon. Cremated si Tatay without wake, na lalong nagpapasakit sa kalooban ko. Alam kong ayaw ni Tatay ng cremation pero wala kaming choice. Hindi man lang makapunta ang mga pamilya at kaibigan. Discriminated pa kami ng kapitbahay namin dahil iniisip nila may Covid kaming lahat. Alam kong malalagpasan ko ang lahat ng ito. Sa ngayon, the weight is too much for me to handle na iyak na lang nagagawa ko. 

Lord, help me to trust you even in this dark and difficult times. Help me to turn my eyes upon Jesus. Help me not to be blinded and discouraged of my current affliction. I can only pray for Tatay, that you granted salvation for his soul, that he is with you now in Heaven

Forgive me Tay, for not loving you as I ought to love you. Forgive me for not being patient and loving. Forgive me for making wrong decisions which caused this to happen. I hope you know that you are the reason of all my hard work. You are the reason why I came back home. You are my life but now that you’re gone, I feel a little lost. Lord help me to stay in your path, continually trusting You. Heal my heart Lord, it’s too much for me to bear right now. 






















Wednesday, May 19, 2021

May 2021

 

Late post. May 1st ko pa tinype pero 19th na napublished 😅


Today is the day I am going back home. Like literally I am on the plane at this moment. It still feels surreal that I am on my way home. 4 years of working in Korea. It was tough, really tough. Mahirap malayo sa pamilya at mag isa lang abroad. But the Lord was really gracious to me na sa four years ko sa Korea ay nothing serious happened to me, aside sa mga bicycle accidents ko hahaha. But overall, everything went well for me. Maayos na work, good friends at visa that made me able to go on vacation twice a year. I’ve experienced so much din, full experience talaga. Madami akong na experience sa culture, food at mga tourists spots. Ilang beses ko din na experience ang four seasons. So no regrets na talaga ako. 


Dami nagtatanong kung sure na ba daw talaga ako na umuwi. Pandemic kase at mas maayos sa Korea compared to Pinas. Honestly, may konting kaba pa din naman ako. Like paano kung biglang mag close ang CCMG. Lagi kaseng hold ang contract. Paano kung matanggal ako or hindi ko kayanin ang work na yun. May mga ganun din akong alalahanin. Pero sa buong buhay ko, hindi naman nagkulang sa akin ang Lord. Ngayon pa ba na pagkain na lang ang aalalahanin namin. So may peace sa heart ko na everything will be okay sa paguwi ko. 


Sobrang excited ako sa newly renovated house, sa bonding kasama mga kapatid ko at mga pamangkin. Holidays and celebrations na buo na. Lord’s day with the brethren at bonding with my friends. Excited din ako mag work from home sa mas maayos na bahay. Yung after work eh may pagkain na tas sa hapon pupunta sa bahay mga pamangkin ko. Haysss... I can already imagine. 





Friday, April 9, 2021

April 2021

2 months has passed already. Nung Feb after ko mag start sa CCMG ay inip na inip ako kase 3 months pa bago ako umuw. Ngayon eh 3 weeks na lang, flight ko na. Napaka bilis naman ng panahon. 

Lagpas na one year at nandyan pa din ang Covid. But thankfully may vaccine na. Atleast magkakaroon na ng konting ease and hopefully unti unti ng bumalik sa normal ang buhay ng mga tao. 

Medyo nalulungkot na din ako kase aalis na ako kina Aveline. Mamimiss ko ang pamilya na yun na sobrang bait sa akin. Bago ako umalis ay mag Lotte World ulit kami as my farewell trip. Sa last 3 days ko dito sa Korea ay mag Jeju Island din ako. 

Pero syempre mas excited akong umuwi. Tapos na ang bahay namin at excited na din ako mag decorate ng room ko para sa aking work from home. I am hoping na hindi macancel ang aking flight. Makapag register din sana ako sa OWWA para free ang aking quarantine pag uwi ng Pinas. 

So many things have happened this year too. Until now ay unconcious pa din si Tita Carol. Namatay parent ni Deacon Dello. Namatay mama ni Joshua Hernandez. May cancer si Pastor Rene. Nakakalungkot pero sa kabili nun ay may comfort pa din galing sa Panginoon. 

I don't what my life will be like paguwi ko ng Pinas. 4 years din ang lumipas and ofcourse things won't be the same anymore. Isang bagay na ayaw kong mag stay the same ay ang aking pagiging stagnant na Christian. I pray things will be different when I come back home. 


Thursday, February 4, 2021

February 2021

At natapos na nga ang January ng taong ito. Grabe, parang ilang iglap lang eh second month na, then mamukat mo eh December na ulit. How would this year be different from last year kaya? Well, one thing is for sure, uuwi na talaga ako ng Pinas soon 😊 

TS: 02/05/21, 12:14pm

Last Sunday nirefer ako ni Stacey sa Upwork, sa wfm job nya. Thankfully nahire naman ako. Earlier was 3rd day training and first live call. By God’s grace, nakarami naman ako. Truly the Lord is so gracious to me na hindi nya ako hinahayaang maging kulelat saan man nya ako dalhin. Problema lang ang internet connection sa Tagaytay paguwi ko. Uuwi na ako ng March or April pero walang home broadband na makuha.

Excited na ako umuwi, with this new job, there is no more reason to stay here. I can’t wait to be back home. I thank the Lord for providing everything that I need despite of my unfaithfulness in Him. 

Sana later ulit makarami ng calls 😄





Thursday, January 14, 2021

Welcome 2021

A new year has started. 2020 was indeed a difficult year for many. It started with the Taal Volcano, the virus and numerous typhoons and floodings. 2021 na pero nandito pa din ang virus and not so many countries have access and capability to purchase the vaccine. But despite of all those things, I can still say that the Lord remained faithful. Last year was also the year na naaksidente ako sa pagbabike. I had to suffer of several weeks of pain and discomfort, but it was during those times I felt more God’s love and faithfulness. 

With this new year comes new hope as well. Kahit pa it started once more with worries, my heart is still filled with hope dahil alam ko that this year my God will continue to be faithful. Nasa last appeal na ako sa visa and I need to pay 510K won for the process pero 3 months lang ang assured visa. This year will also be the year na uuwi na ako for good. I can’t wait! I am hoping na makapasok din ako sa Upwork bago matapos ang visa ko. Since last year, araw araw ko naiisip ang paguwi ko for good. I am also hoping sa big event paguwi ko hahaha. So many signs tapos paguwi wala pala 😅 

Pero habang nandito pa eh enjoy kahit konti. Sobrang lamig pero dahil last winter ko na to eh maeenjoy ko ng sobra ang snow. Sana makapag Jeju at Busan bago umuwi. Kailangan na bilisan ang pagiipon para anytime makauwi na. 

It’s been 10 years since I started this journal. And with those 10 years, it’s very visible that the Lord was faithful and still faithful in my life. 

Thank you Lord. It is my heart’s desire that my love and faith for you will continue to grow deeper and stronger as age.