Sunday, December 16, 2012

An Intimate Relationship with my Creator



A month ago I created a blog about the first feeding First Step Children’s Minstry had in San Jose. So while I was publishing that blog, I lost internet connection, refreshed the page and forgot to save my blog. So yeah, I deleted all my emotions back then. Lol

It’s been a while since nung last na nagblog ako at talagang marami ng nangyari sakin. I’m just so blessed dahil ngayon na naisipan ko ulit magblog, my status with God is soooo good!!!

Yep! Just today was a very blessed day. I was able to worship the Lord through songs and listening to His words. Nadagdagan pa ng preaching ni Pastor Bong ng CCF na pinanood naming kina Ate Aileen while baking. I’m just so happy and amazed kung gaano ako kamahal ni Lord. He won’t really let me go astray.
Sa pinagdaan ko for the past weeks sa work, struggle ko with difficult people and being wronged, naubos talaga ang pasensya ko na nakalimutan ko na Kristyano pala ako. Naguumapaw ang inis sa heart ko na curse ang lumalabas sa bibig ko imbes na blessings. But the Lord doesn’t want me to remain that way for long. He dealt with me which I am so thankful. Kase kung hindi and I lived my life that way, I won’t experience this peace and overflowing joy in heart.

Still, I have no material things to be proud of. Zero balance and account ko and I still have few amounts to settle. But I have no worries, I am right in front of the Lord and that’s what matters to me. Just like Daniel, when he was accessed sa work and his personal life, no fault was found in him. Ofcourse, I am not exactly Daniel, but I will get accessed, I have nothing to be ashamed of.

There are rumors that rapture will be on the 21st of Dec. I do not believe that because no one knows but the Father when he will erase the Earth. If that would be true, I have neither worries nor fear, I’m a little bit excited because I will be home with my Creator.

Though there are still people around me that are hard to deal with and not honest, meaning pasikat lang. I no longer care. I am so thankful that the Lord helped me to focus only to Him. As he said that nothing in this Earth matters but the things done only for Him. They may be people even inside the church which are men pleaser, I won’t be like them. Because my reward comes from the Lord only, at ayoko na makuha ko yun sa kapwa ko tao lamang na makasalanan din.

As I mature (kase 25 na ko 18th), I appreciate more the meaning of Christmas and what I should be thankful for. I appreciate more what the Lord Jesus has done in my life and how he turned it around. I am more hopeful of things to come and the fulfillment of His promises. I am more expectant now, more excited of what will be the next chapter of my life as I enter the adulthood  :-D


Friday, August 24, 2012

Lolo at Lola sa Laguna


Last Saturday, August 18, 2012, pumunta ako ng Laguna para dalawin si Lolo at Lola ganun din ang mga high school friends ko.


Sobrang excited akong bumaba ng tricycle dahil matagal ko talagang di nakita sina Lolo. Di sila nakapunta ng New Year 2012 kase mahina na daw si Lola. Ilang beses akong nagsabi na dadalaw ako, kaso laging kulang sa budget.


Biglaan ang punta ko kase bigla lang nagkapera. Nung pumasok ako sa gate na kahoy, nakita ko si Lolo nag wawalis. Grabe ang saya sa puso ko, sobrang miss ko talaga sila. Nakita ko si Lola sa tumba tumba nya, nakatingin sakin pero walang reaksyon.



Kiniss ko sya pisngi gaya ng nakagawian namin, sobrang payat nya at di ko mapigilang hindi umiyak. Bumabalik yung nakaraan na napakalakas pa nya, inaasikaso ang tindahan sa looban. Kapag nagkikinis na sya ng sanga ng gumamela kapag papaluin na nya kaming magpipinsan at walang awa (joke lang) na nilalanggas ang mga sugat namin ng ate ko.


Matagal ko syang tinitigan... at tulo lang ng tulo ang mga luha ko. Matanda na si Lola, walang duda. Kaya pala di na sila nakapunta nung bagong taon.


Sabi ko sa kanya, "La, kumusta na?" Sabi naman nya, "Ay sino ka ba?"


Hahaha! Di naman ako nasaktan. Kase kahit naman dating dumadalaw sya sa amin napapagkamalan nya na ako si nanay. Nakakalakad pa naman sya, pero konting hakbang na lang kase madali na sya mapagod.


Pumunta ako ng kusina kase di ko makita si Lolo, andun lang pala. Nagpapahid ng luha. Sabi ko, "Namiss kita, Lo". Niyakap nya ako at umiyak na kaming dalawa. Matagal kaming nagyakap. "Matagal ka na naming hinihintay", sabi nya sakin. Alam kong marami akong pangako na dadalaw na hindi natuloy, puro padala lang ng pang gastos.


Halos madurog ang puso ko sa katayuan nina Lolo at Lola. Alam ko na di naman sila sasama samin sa Tagaytay, dahil nasa Laguna ang buhay nila. Yung isipin mo na araw araw nag ba bike si Lolo papunta ng Masaya para lang kumuha ng kapirangot na ulam. Pagod na ang matanda, maari pang maaksidente. Bukod pa sa awa na nakukuha nya dun.


Nagluto kami ni Neneng ng sinigang. Habang kumakain, naisip ko, kelan kaya sila huling nakatikim ng masarap na pagkain? Kumirot na naman ang puso ko.


Siesta time, tulog ako sa kama sa labas habang nasa tumba tumba si Lola. Di daw sya inaantok. Nakatulog na ko, ang sarap kase ng hanging. Maya maya may kumalbit, si Lola. Tutulog din daw sya. Lumakad sya ng konti papunta sa kama at tumabi sakin, tulog kami. Maya't maya ang tapik nya sakin kaya nagigising ako, hehe.


Habang nakahiga, nakatingin ako sa likod ni Lola. Alam ko na balat na lang ang nakabalot sa mga buto nya sa kapayatan. Maya't maya ang ubo nya. Dinig ko din ang paghinga. Sumambit ako ng maigsing panalangin... "Lord, sana dagdagan mo pa ng ilang taon ang buhay ni Lolo at Lola dahil gusto ko pa silang makasama at maipadama na mahal ko sila."


Sana makayanan ko silang suportahan, kahit sa maliit na halaga lang. Sana bago sila kuhanin ni Lord, maranasan nila ang buhay na hindi namumrublema kung san kukuha ng makakakain.


Mahal na mahal ko ang Lolo at Lola ko dahil alam kong mahal din nila ako, kahit nakalimutan na yun ng Lola ko...hehe.

Thursday, August 9, 2012





Parang Ondoy… naalala ko na naman ang nakaraan. 
Pangalawang beses makita ng mga mata ko ang mataas na baha. Wala ako magawa kundi ang manalangin, ang humingi ng awa sa Panginoon na pawiin na ang ulan. Nananalangin na bigyan ng habag dahil marami ng bahay ang lubog sa baha, maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at nabuwis ang buhay. 
Sa ganitong pagkakataon, panalangin ang ating tangin sandata. Pwera na lang kung kaya mong sipsipin ang baha sa buong Pilipinas, ikaw na. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong nagiging negatibo pa sa ganitong pagkakataon. Bakit kailangan pang magkondena ng iba na kahit sa kaunting panalangin ay nais makatulong. 
Nasubukan mo na bang lumubog ang bahay mo sa baha at anurin ang lahat ng iyong ipinundar? Ako hindi pa, pero noong bagyong Ondoy, dama ko ang hinagpis ng mga katrabaho ko na nalimas ang bahay. Sana kahit sa balita, Facebook o Twitter man lang, maramdaman mo ang sakit na nararamdaman nila at piliin mong manalangin kesa maging negatibo. 
Wala pang bagyo nyan pero lubog na ang maraming lugar sa Cavite, Pampanga, Manila, Bulacan, Valenzuela, Laguna at marami pang lugar. Marami na rin ang nasawi, bata man o matanda. Nakakalungkot naman talaga. 
Mapapatanong ka, Lord, bakit kailangan mangyari to? Bakit pinahintulutan mo ang ganitong kalamidad? Hindi ko rin alam ang sagot, tanong ko din yan kay Lord eh. Ngayon lang ibinabalita sa TV na 7 sa pamilya Baylon ang namatay sa landslide. Paano mo tatanggapin ang ganitong balita kung ang buong pamilya mo ay sasabihing patay na pag uwi mo? Napakasakit diba? Napapatanong ka talaga at di maiiwasang magalit ka pa sa Kanya. 
Hindi ko pedeng sabihing okay lang yun at pagsubok lang ang lahat. May dahilan para tayo ay magalit sa ganitong pagkakataon. May dahilan para maghinagpis. Sa librong nabasa ko ni James Dobson na When God Doesn’t Make Sense marami syang puntos na sinabi. 
Sa dami ng chapter ng libro, ito ang mga bagay na natutunan ko. Hindi kailangang ipaliwanag ni Lord ang dahilan ng kanyang mga gawa. Maraming bagay talaga tayong di mauunawaan dahil Diyos siya, ipaliwanag man nya ay di pa din natin mauunawaan. At higit sa lahat, ang Panginoon ay palaging may dahilan kung bakit nya pinapahintulutan mangyari ang mga bagay di man natin ito mauunawaan.
Di pa man nangyayari sakin ang ganitong kasaklap na bagay, ang panalangin ko… bigyan nya ko ng kalakasan at manatiling nagtitiwala sa Kanya kapag ako ay hirap na. 

Friday, August 3, 2012

Lipat Site



Last day sa Teletech Bacoor kahapon... wala ako mafeel. Di ko alam kung malulungkot ako dahil almost two years ako sa site na yun. Maeexcite kase new environment and new people to meet. Maiinis kase kung kelan uwian na ko sa Tagaytay tsaka pa kami nalipat ng MOA. 


First batch pa kami ng transfer, pede naman last trip na lang. 5am ang pasok, may pre shift OT pa. Dagdag 1 hour na byahe, dagdag traffic din at pamasahe. Wala naman talagang benefit ang palipat sa Roxas, but I get to keep my job. Wag na lang magreklamo. 


Last blog ko ay before ako pumunta ng Palawan. Super ganda, di sapat ang salita to express kung gaano ako nag enjoy at namangha sa mga nakita ko. Napakalupet talaga ng Creator.


Stagnant na naman ako...nakakainis.

Friday, June 1, 2012

Palawan :))

Yep!

Bukas na ito, and take note, may bagyo.


Super excited, as in... hihi. baka di ako makatulog mayang gabi. 

Matutupad na din isa sa mga pangarap namin ni Bethsaida. Makakasakay na din ako ng plane, makakapunta ng underground, itatry pumunta ng corcodile farm at marami pang iba. Sana lang kasya ang budget, hehe. 


Dami bayarin this month, itong trip na to, tuition ni rain at karlo, atbp.


May chance na naman ako tomorrow na makita ang beauty ng creation ni Lord. 

Excited much! Wala na ko masabi. Hehe. 

Lord... please guide us sa aming trip. Cover the plane that we will ride on. Keep us safe sa Palawan. Bring us home alive and kicking as well. Thank you for this privilege to enjoy life. I love you!!!

Thursday, May 3, 2012

The Wedding...



Yep! Today ay kinasal ang kababata ko na si Roseann... Super ganda nya :)) Ganun daw talaga ang bride sa kanyang special day, glowing ang beauty. 


Pero kanina, na realize na hindi ko pa pala talaga gustong mag asawa... Sa ngayon, masaya ang buhay dalaga ko. Marami akong time sa family, friends at ministry, at higit sa lahat... sa sarili ko. Parang hindi ko pa kayang igive up ang aking freedom. Marami pa kong bundok na gustong akyatin at dagat na languyin...haha!


Ako ang nakakuha ng bouquet :)) Wala lang, di naman magandang lahi ang nakakuha garter, hehe. Boyfriend lang muna ang hanap ko, di pa asawa. Nitong mga nakaraang araw... narealize ko din kung gaano kahirap ang mag kaanak. Oo, masaya ang may anak. Di naman maiitatangi yun, pero mahirap din ang magalaga. 


This summer punta ako sa Palawan, kasama ko si Beth. Sana matuloy kami sa Zambales this weekend. 


Hindi ko alam kung gusto ko pa matuloy ang Live Chat, 24/7 support. Hay... ayoko na magtrabaho ng gabi, at higit sa lahat ng weekend. Mag isa lang ako sa Team Russel pero okay lang naman ako. Mukha namang mababait ang mga kateam ko, ang kukwela pa. Si TL comedy rin. Sayang nga lang, sana may Wave 14 din akong kasama para may ka kwentuhan.  Kung di pa matutuloy ang Live Chat, 11am-8pm na schedule ko next week. Gusto ko naman yung oras, makakapag jogging ako sa morning. Kaya lang Fri-Sat ang off. Pano na ang Sunday ko? Ang family day, ministry at ang childrens... Ay, nakakalungkot isipin. Pero, we are all unsure of tomorrow. God can still do miracles :))


Bukas ililibre kami ni Paul ng movie sa MOA, The Avengers 3D. Weee!!! Excited ako, first time ko pupunta sa MOA at magmomovie ng 3D. Tapos Zambales the next day, kaso ang mga kasama ko di nagcoconfirm kung tuloy kami. Hay... medyo madidissapoint ako ng konti. Kase syempre gusto ko talaga ma experience, pero gusto ko din makasave ng gastos.  Kahit ano ayus lang, may Palawan pa naman ako. 


Enjoy life lang muna :)) Pero dapat, sunod pa din sa standard ni Lord. 

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.3788047177762.2171304.1174552903&type=1





Saturday, April 7, 2012

Childrens Camp!!!




Just got home from the camp :))

Wow! So happy today! Though nakakapagod physically, super saya and fulfilling a childrens camp na ito.

First Step childrens ministry's firs time to have an overnight camping. Isipin mo, from 6-14 years old na mga bata ay babatanyan at aalagan mo? Ay grabeng kapagod talaga nun! Almost 70 students and dumating. Nakakatuwa pa na maraming bago na taga San Jose at malalapit lang din sa church nakatira. 70 souls na nailapit namin sa Panginoon.

Yung nakita kong pagtanggap ng mga studyante ko kanina, yun ang nagpakumpleto ng camp na ito para sakin. Kase, yung wala ang acceptance nila kay Jesus... sayang lang ang lahat. Ang games, crafts, effort at time ay balewala kung hindi nila malalaman ang tunay na kahulugan ng kaligtasan.

Super thankful ako kay Lord sa mga assistants na binigay nya sakin, kay Diane, Mae at Angela na napakasisipag at matiyaga ding tumulong sa mga sa crafts. Kay Ate Myra na cool na cool lang sa mga ginagawa namin, no pressure at all :) Sa mga co teachers ko, iba pang assistants at volunteer. Imposibleng maging matagumpay ang camp kung hindi sa tulong ng bawat isa. Kahit pa medyo nagtampo nung gabi, hehe, natabunan sya ng joy na binigay sakin ni Lord.

Looking forward for the follow up camp sa sem break, bitin ang 1 night and 2 days. Nakakatuwa ang mga bata na parang ayaw pa umuwi. At take note, best camper lang naman ang studyante ko na si Aaron. Wee!!! Akala mo nanay ako sa sobrang saya eh, haha! I must admit na mas masaya at mas magaan ang camp ng mga bata kesa sa youth. At yung fact na pure pa ang isip at puso ng mga bata tapos nataniman mo na ng Gospel. As I always believe, we have planted a seed in their hearts that soon will grow and bear fruits, san man sila mapadpad.

At masaya din akong nakapaglingkod sa Panginoon ko. The best way to spend holy week is to serve my God and bring souls to His feet. Excited na ko Lord makita kung pano maggogrow ang mga batang ito at kung sinu sino ang mag i step as future leaders.

Thank you Lord for the privilege to serve You and to make You smile :)

I love You Lord with all my heart!!!

Tuesday, April 3, 2012

Eh ito ako eh


di ako wierd... curious lang talaga ako.

and i don't pretend that I know things, I can boldly ask kahit pa sabihin nilang eng eng ako.

eh ito ako eh!

Saturday, March 31, 2012

Kainis ako



Dahil sa selfishness ko... ang dami nagulo. Naiinis ako sa sarili ko.

Friday, March 9, 2012

Almost Over



Yeah, few days na lang tapos na ang training and nesting. Actually nesting na kami next week. And during nesting daw eh madidispurse na agad kami. Ay kalungkot naman isipin, pero nakakasanay na din. Sa dami na din ba naman ng teams na nalipatan ko. At syempre makikisama ka na naman sa mga bagong tao.

Mamimiss ko ang training super. The training days with Madz and Chris ay mamimiss ko talaga. Masaya naman sila pareho. Feeling ko nga konti lang natutunan ko kase puro tawanan, kalokohan at laro lang ang napag gagawa, hahaha!

Mamimiss ko ang mga dati kong ka HP kung magkakahiwalay man kami. Si Ron at Alvin na non stop sa kalokohan, sobrang napollute ang utak ko sa kanila, hehe. Si Yayo at Debs na kakulitan kapag sa harap nakaupo. Yung mga kasabay ko sa lunch, madami sila. Si Tianak mamimiss ko din, ang kulit kase. Syempre lalo na si Angel, sya kaya ang super buddy ko. Isa sa mga prayers ko ngayon na magkasama kami sa isang team.

Lahat naman sila mamimiss ko, pati yung mga di ko nabanggit. Wala namang masamang tinapay sa Wave 14, mababait naman lahat. Feeling ko naging friends ko naman talaga sila sa mahigit isang buwan naming pagsasama. Anyway, magkahiwa hiwalay man kami eh nasa isang floor lang din naman kami. Pero syempre iba pa din sana kung magkakateam kami.

Sabi nga, "The only permanent thing in this world is change" Korek!!!

Sunday, March 4, 2012

In Tune :)



Sana nga ay forever and ever na akong in tune :) So happy for the past few weeks. Lagi kong feel ang presence ni Lord. Ilang oras na lang matatapos na ang Sunday pero gusto ko mag weekends na ulit para mababad ulit ako sa presence ni Lord. Excited na ko sa training ng teachers. Gusto ko marami pa kong matutunan sa pagtuturo ng mga bata. Excited din ako sa training ng outreach, dahil alam kong mas makikilala ko pa si Lord dahil dun. At excited din akong magturo ulit ng mga bata, namimiss ko na agad mga studyante ko. Alam mo yung feeling na sabay sabay kayong natututo at mas nakikilala ang Panginoon. I can't imagine myself na hindi nagtuturo ng mga bata.

Excited din naman ako na pumasok sa work, kase alam ko marami na namang tawa sa training. Nito namang nakaraan lagi akong excited, haha! Basta masaya ako, at gusto ko ang state ng buhay ko ngayon. Kahapon umakyat kami ng Mt.Maculot ni pakner ko. Ang bait bait naman talaga nya, sa kabila ng nangyari dati okay lang ang lahat. I'm so blessed talaga sa mga kaibigan. Nakilala ko pa si Anisah. Sa hike namin medyo kabado ako dahil sa aksidente sa Mt. Batulao. Pero sabi nga ng studyante kong si Rachel... "the Lord guards us everyday" True!!! Ang protection ni Lord sa akin at sa family ko ay naguumapaw.

Kaya naman ang love ko din sa kanya ay overflowing :)

Friday, March 2, 2012

Day hike!!!


So excited for tomorrows hike!

Hindi lang dahil first time ko aakyat ng Mt.Maculot, ito ay dahil kasama ko ang pakner ko :) After 2 years...we're going to meet again.

1 week na lang, nesting na. Excited na din ako, pero partly malungkot. Kase ibig sabihin nun ididispurse kami.

Excited din ako magturo this March, ang kaaway talaga laging active. Talaga naman, kung kelan super prepared ang heart ko to give my worship through childrens ministry eh natetest ako.

Nakakashock ang mga nakikita at naririnig ko ngayon. Hay, konti na lang ba ang dalagang pilipina? Sa ngayon hindi mo na masasabi kung sino ang babae at lalaki. Ang mga prinsipyo na hindi align sa kalooban ni Lord. Sa ganitong pagkakataon, dito ko naiisip kung anong klaseng buhay meron ako kung hindi ako naging Christian. Wow, di ko talaga maimagine. Kung kagaya pa din ako nung college days, asan kaya ako ngayon?

But thank you Lord! You always remind me when its time to stop. You are my rock, and I stand on a solid ground!

Though ako ay single ngayon, I cannot compare the joy that I am experiencing right now because of you. And I wont trade my life as well to anyone because in you I am complete :)

This relationship with you that I have right now is the best relationship I can ever have...

♪♪♪Deeply in love with you...♪♪♪


Saturday, February 25, 2012

Just trust Him!

Just last month I wrote about what happened to me at work. So I decided to look for a job in Manila and I stayed there for two days; guess what happened to me with that two days of applying? I didn't get hired!

Kahit isang final interview wala akong inabot. Syempre super dissapointed ako nun. I was aking God why. Super pagod ako nun dahil sa init. Ang weird nga eh, last na BPO ko ay Telus. TA told me that I was already accepted and the tech support TL will just call me for final interview then contract signing will follow. The day ended na wala akong natatanggap na tawag. Super dissapointed, to the highest level.

Pero si Lord talaga ay sovereign. The next day, tinawagan ako ng TA ng Teletech. May written exam daw ako for Telstra TMail. Nakapasa naman ako at nagsign ulit ng contract. This time eh natuloy naman ang training. You see, hindi ko na pala kelangan na lumayo at icompromise ang church, coz once again, the Lord has a better plan for me. Napunta pa ko sa non-voice at Aussie account pa din. I've been in training for four weeks na. May 7 former HP din akong kasama. Kaso hindi naman masaya sa training...

Kase...

Super saya kami! Hay, as in. Makalipas ang isang linggo ng pangangapa sa ugali ng ibang trainees, akala mo ang tagal na namin magkakakilala. Sa naging training ko sa Dell at HP, sapat lang. Pero syempre masaya ang HP Chrysalis Wave 10, andun kaya si Kid Rock, incomparable din yun. Ngayon sa TMail, madaming baliw, kasama na ang trainer namin, haha! Hindi kami Wave 14, kami ang mga studyante ng APCU, AlphaPhiChupapi University.

Dito sa training na to nasaid ang dangal ko, ubos talaga. HIndi pwedeng humindi sa performance. To the highest level ang presentation. Naging Sadako at Jlogs na ko. Masaya, super saya talaga. Every night, I always thank the Lord sa lahat ng tawa na nailabas ko sa maghapon, hindi mo mabibilang. Lagi talaga akong blessed sa lahat ng team na napupuntahan ko, laging mababait ang mga ka wave ko.

Madami din akong natututunan sa bawat isa sa kanila. Sa bawat kwento ng buhay nila, iba ibang personalidad, iba iba din ang pananaw. Feeling ko nadadagdagan ang IQ ko dahil sa kanila.

Bukod sa blessing sa work, madami pang blessings ang binigay sakin ni Lord...

This first quarter of 2012 is a total opposite of the last quarter of 2011. My heart is overflowing with joy, with so much joy. Mas close na ko kay Lord ngayon :) So happy talaga. Parang inlove lang, haha! But indeed I am inlove, I am inlove with Him. It's true that the more you spend time reading His Word and spend time in prayer, the more you will know Him and His will.

I've committed this year to be more committed sa task na binigay nya sakin, to the ministry that He entrusted to me. Sa childrens at ang magiging outreach ko. How I wish pwede akong bumalik ng Iruhin, kaso parang malabo. I've committed to be more equipped this time. To be always prepared in sharing the Good News.

Thank you Lord sa napakagandang schedule ng training. After training, I have time to get some rest before meditating Your Word. I have time to meet nanay and dadi sa cubao and my other friends na nasa Manila. Makakapag trek na ulit ako during rest days. At higit sa lahat, lagi na kong makakapag church sa IHPCC at makakaattend ng mga trainings na kelangan ko para sa outreach at Sunday School.

Sa ngayon, ano pa bang mahihiling ko? (bukod sa lovelife, hehe) Masaya naman talaga ako. Blessed ako sa kaibigan, ang dami nila. Ang hirap imaintain, haha! Maraming tao na nakapaligid sakin ang nag iincourage. Blessed din ako sa pamilya ko, lahat ng needs namin laging provided ni Lord. Masaya sa work at sa church.

I pray Lord that this peace and the joy that I have in my heart right now will not be stolen. I pray Lord that your Light will shine more through me, and that people around me may see You in my life. I pray Lord that I can also share this peace and joy that I have to those who are gloomy and have no hope. And most importantly, I pray Lord that I will be consistent in seeking You everyday of my life.

I love You Lord! These words and written in my heart :)

♪♪♪And if I should reach the end of my labor, I will pray to stay in Your grace and Your favor. For there is nothing to compare, the joy of serving you my God, with the Joy of being in Your presence Lord... ♪♪♪ - To Serve You Forever

Monday, January 9, 2012

When things don't happen the way you wanted to be...

How will you react if nothing you want happens? Everything fails and all your plans are not coming to life. You'll feel like you are being betrayed or something. As if you want to cry your lungs out. And just cry, literally.
But well, that might happen to others but not to me.
Yeah, all my plans are failing right now and I don't know why. I was really hoping for 3 months now to be transferred to this Australian account so I can have weekends off and consistently attend church and teach in Sunday School.
And it did happen just last week, I passed the new accounts examination and interview and signed a new contract for this Australian company. I'll be on training a week after that. I was so very happy and ofcourse, as Christians, we will think that this is another answered prayer from the Lord.
But just yesterday, I found out that our batch of new trainees is on hold and there is no definite date of training. HR told me that I can no longer return to my former department as they are also trimming down their people, the reason they approved my transfer. So right now I'm a floating employee, meaning no work, no salary, though still part of the company. My friend in HR department gave me two options; they can either look for a new account in a different site or I can just leave the company and give me a separation pay. So I am jobless right now! Whoah! How's that my friend?
I've been thinking...why? I just wanted to be transferred for a very good reason, I didn't wish to be terminated. I wanted to stay longer in that company. So, since I'm a floating employee right now, I need to think of a new plan. As I also have financial responsibilities for my family. I'll be looking for a new job as soon as my mom gets released from hospital confinement (she's feeling okay now, nothing serious though).
Its just funny and also awesome how we, Christians react on things that happen to our lives. When good things happen, it's Gods gift to us. Then if things are bad, God has a better plan for us. "Maybe its not meant for me, He prepared something better", that's our thought.
Yeah, that's what I have on my mind right now, the Lord has prepared something better for me, maybe not the Australian account that my heart desires. And I know, greater things are yet to come. I may have my own plans right now but it's still the Lord who's gonna direct my steps (Proverbs 16:9). And I trust my sovereign Lord...
You should too. Just keep your faith alive :)

Wednesday, January 4, 2012

goodbye "tamad mode"

Simula nung nag ka sore eyes ako nung October, tamad mode na talaga ako. Biruin mo, twice or once a week lang ako pumapasok sa work, as in nasa bahay lang talaga ako. Di naman ako gumagala. Ngayon mejo naiintindihan ko na ang mga tambay, masarap din pala talaga ang walang ginagawa. Tapos may pagkain sa bahay, lagi ka pang online. Series at movie marathon ang mode ng lola mo.

Kaya eto, dahil wala naman pinagkakabisihan, alaga mode din ako kay Lei. Kaso uuwi na daw sa mendez bukas eh. Hay... mamimiss ko ng sobra sobra sobra si lei. As in, sobra.

Pero tong week na din na to matatapos ang tamad mode ko. Sa monday, Iwill be taking a new path in my life. New account, new training, new people, new things to learn. Masaya naman ako na Sat-Sun off na ang off ko. Makakapag church na ako lagi sa IHP. Makakapagturo sa childrens at makakaattend ng strengthening class.

I know this 2012, I will be learning and experiencing new things. Goodbye stagnant life na din. I know the Lord has prepared something awesome for me this year, and I'm just so excited.

May mga prayers man ng 2011 ang hindi natugon, alam ko din na may ibang plano para sakin ang Panginoon. I am just keeping my faith alive...