Tuesday, September 27, 2011

confused :(

These past few months will be the most confusing days of my life. Napakadami kong plano sa buhay ko to the point na nalilito na ako kung ano ang ipaprioritize ko. Gusto ko na magresign dahil nahihirapan ako sa metrics, ayoko na ng pang gabi n work, gusto ko mag sunpower para normal na buhay at nang makapag bible school ako at mas focused sa ministry. Gusto ko din mag abroad... hay, anu ba talagang gusto ko? Hindi ko na nga rin alam talaga.

Ngayon ko lang din naramdaman to na parang sobrang layo ko kay Lord, kahit pa lagi nmn akong nag sisimba. Saktong sakto yung kantang shifting sand sakin. I am changed, my faith is being changed by every wave. Napaka unstable ng pagiisip ko, ng mga decisions ko. Lagi ko sinasabi na aalis na ko dito sa hp, pero until now andito pa din naman ako. Hindi ko ba alam kung ayaw ko lng umalis na comfort zone ko, kung comfort zone tong matatawag.

Sa twitter or fb man, dedma na lang ako sa mga godly messages at quotes, kelan ba ako huling nag quiet time? Nag tithes ng tama at may na bless na ibang tao? Grabe, di ko alam kung anong status ng buhay ko. Parang ang daming crossing sa ngayon at di ko alam kung san ako pupunta. Alam ko naman na si Lord lang makakatulong sa kin. He is the only one that can give peace to my mind and soul, but I can feel that I am refusing to yield back to Him. Hindi ko alam kung bakit, at hindi ko din alam kung bakit ganito ako ngayon... so confused...
*****
Yan sana ang post ko this morning kung gumana lang ang net kanina... Ngayon nandito ako sa bus, kakagaling ko lang ng cog dasma, nagsimba kami ni beth. Truly the Lord knows just exactly what we need... Kanina sabi ko sobrang confused ako, pakiramdam ko sobrang layo ko sa Panginoon at nawawala na ang Holy Spirit sa buhay. The message seems to be prepared for me. My eyes were once again opened and the Lord made me understand what I need to get back on my feet.

I have been looking for answers and waiting for my prayers to be heard pero hindi ko pa natanong ang sarili ko if I have already asked forgiveness for all my wrong doings. I haven't asked nor begged the Lord for that. The Lord made me realize what kind of show off I am, what kind of pretender I am. At dahil mahal ako ng Panginoon, today... He reminded me how important I am to Him and how much He wanted me back in His presence. Salamat Panginoon for keeping your ears opened for me and for not hardening my heart...

Patawad Lord for breaking the seal that you've given to me and give the Holy Spirit back to me. And most of all, help me to remain in Your presence forever...

Saturday, September 24, 2011

Wednesday, September 21, 2011

back to work...for real



after a week of just being home, i'll be back to work later. hay... kung hindi lang mag bi birthday si rain at magpapasko, ay talagang hindi na ko papasok. I no longer hope na maililipat ako sa telstra or whatever, I dont think that will still happen. I have dsat daw, haha! Si tl naman, talagang may pagtawag pa. Yeah, yeah, I get it. I'll get back to work na.

Tuesday, September 20, 2011

growing up


whe, akalain mo ba. parang kelan lang puro kalokohan at walang kaseryosohan lang kami sa buhay ng mga kaibigan ko sa dasma. pero ngayon, seryoso na. may mga nag asawa na, may dalaga pa din naman pero halos lahat ay professional na.

kanina pumunta ako kina fean kase babang luksa ni tata. after so many years, kanina lang ulit kami nagkita. parang wala namang nagbago, ayun makulit pa din si fean kagaya ng dati. si jec seryoso pa din sa buhay at makulit pa din. si jophel andun din kanina, sya ang hindi seryoso dati na seryoso na sa buhay ngayon. nakakatuwa, tumatanda na talaga kami.

wala lang, i just want to be reminded again na iba na talaga ang buhay ko ngayon, hindi kagaya nung studyante ka pa lang na hindi inisip ang hinaharap kundi ang mga parating lang na quiz.


Tuesday, September 13, 2011

pagkakaibigan...

Marami akong group of friends... at madami din sa kanila ay matagal ko nang hindi nakikita. May iba na weeks na, months at karamihan ay years na. Dahil after namin na magkahiwalay ay naiba na ang landas ko sa kanila, met new friends na mas accessible sa kanila. But it doesn't mean na nakalimutan ko na sila. No one knows that from time to time I still remember them and the memories that I shared with them, and how much I hope na magkabonding ulit kami to look back at the memories of the past.

Kahit pala matagal na kayong hindi nagkikita, may tendency pala na magaway pa din kayo no? I didn't expect na ganun na pala kalaki ang tampo sakin ni Fean. Fean is one of my treasured friends. Bakit naman hindi, we were together sa NCST for 2 years. Sya ang unang naging kaibigan ko sa NCST hanggang sa naging kaibigan din namin si Joy at Jerica, at syempre ang grupo nina Karen. After two years I transferred in Manila. So nagkahiwalay na kami at mas naging close na sya sa iba pa. Syempre, nakakalungkot yun no, sa dami ba naman ng naranasan namin, kahit pa halos lahat dun ay kalokohan. That was year 2004 nung nag transfer ako. Pero kahit ganun, I really did my best na madalaw ko sila kahit pa magsinungaling ako sa bahay.

But that was before, iba na ang sitwasyon ko ngayon. Hindi na kagaya ng dati na kahit kelan pwedeng gumala kase studyante pa lang. Sinusuportahan ko na pamilya ko, nagtatrabaho na ko. As much I wanted to make gala, eh magpapahinga na lang ako. Less gastos pa diba? Na pwede ko pang ipandagdag sa grocery namin.

Hindi lang naman sa kanya o kanila na friends ko sa dasma. Kami ni Shirley, na super friend ko nung high school sa laguna. Everyweek eh natutulog ako sa kanila para lang magbonding. Ilang years na ba kaming hindi nagkikita? 5 years na ata, but we still remain friends. Kahit na hindi ko naman sya laging namemessage sa facebook. Wala namang tampo.

Ang mga mareh ko sa UE, we were together nung college for like 3-4 years. Rain or shine, we were still together. Tambay sa catwalk, mang trip ng mga nerds sa school, mag cut ng class para lang tumabay sa mcdo at magchismisan at higit sa lahat ang masalimuot naming thesis. After ng defense namin ng March 2008, September 2011 ko na sila ulit nakita. Sobrang dami nilang imbitation sakin na magkita sa Manila pero hindi ko magawa. Dahil wala akong panahon dahil sa work ko at gawain ko sa church. Pero hindi rin naman kami nag katampuhan.

Alam ko na iba ang sitwasyon ni Fean, nagtampo sya sakin dahil namatay ang tata nya noon at hindi man lang ako nakadalaw sa burol. Hindi ko na din maalala kung talaga bang hindi man lang ako nakapagpadala ng pakikiramay kahit sa text o FB man lang. Gustuhin ko man pumunta ng trece, hindi ko talaga magawa. That was the time na bago pa lang ako sa ttech at pang gabi ang sched, kaya after work tulog agad ako kase 2 hours pa ang byahe ko. My reason may not be enough to defend myself, but I don't think that will be enough to cut off a friendship that we treasured for so many years.

Ngayon, I have lots of time, lagi na nga ako umaabsent sa work ngayon eh, syempre regular na. Now I'm really making up to those friends na hindi ko nakita ng matagal na panahon. I went to Manila to see Aien, I'll be going to Laguna to see Shirley and the others at para dalawin na din ang lola ko. I'm actually planning to see Fean as well pero I just found out na may tampo pala sya sa akin. Even though, punta pa din ako sa 20th, sana lang papasukin nya ko sa bahay nila...

I love you Fean, you may not know it or feel it, but that is true. Madami man akong group of friends, pero ang weight nyo ay pare pareho lang, gaano man kaigsi o kahaba ang ating pinagsamahan...

Monday, September 12, 2011

ang dating ako...meeting with negra

Nung saturday at nagkita kami ni Negra, after 3 long years. Huling kita pa namin ay nung nag defense kami. May na set kaming date dati mga 2009 na hindi ako sumipot, eh nasa byahe na pala sya, kaya sila na lang ni Anemic ang nagkita. Inis na inis sya sa akin nun, haha! Di ko sya masisisi.

Sobrang dami ng nangyari sa buhay namin after ng defense namin, hindi ko kase pwedeng sabihin na after namin grumaduate kase si Paul lang naman ang naka akyat ng entablado para kunin ang diploma nya. Si Negra nagkaroon na ng maraming first time nya... First boyfriend, first ligawan session, first date, kung anu ano pa at higit sa lahat... first heartache. Si arnie, may mga first time din siguro, di man alam ang buong details, one thing is for sure, may first baby na sya. Eh ako naman kaya, anong first time experience ko after UE? Parang wala naman talaga. Madaming new experiences pero nothing major. Unang akyat sa bundok, unang beses na pag ka counselor sa camp, first time mag ministry head. Ang mga first time na umiikot lang sa church, bahay, trabaho, friends at pamilya. Dito man sa konting bagay na to umiikot ang buhay ko sa ngayon, okay pa naman ako. Enjoy pa din ang buhay.

Sa kwentuhan namin ni Negra, pinaalala nya sa akin kung gaano ako kalala taong 2008. That will be the time na nag ti thesis kami, di na pumapasok sa school si Joanne, nagkasama kami sa Prosales ni Negra at bagong Christian ako. Siguro nga di lang ako aware na ganun ang ugali ko, ang sungit ko sa lahat, insensitive sa mga sinasabi ko, in short... hindi halatang Christian ako. Maybe somehow I'm a changed person na, the Lord changes His people glory to glory if they are willing to. Syempre willing naman ako. Would you imagine na dati eh tanggera pa ako sa inuman at para lang makasama ko sa tambayan ang crush ko eh nag aral pa akong manigarilyo. AT dahil nahilig ako sa rock music, naging emo pa ako. Got into piercings, naalala ko, nagpalagay pa ako sa dila, na nalunok ko lang naman. Kahit walang kasama manood ng concert, cge go pa din! Nakikipag slaman sa mga hindi mo naman kakilala. At kapag tinanong ni nanay kung saan ako galing, nag gawa kuno ng project. Ilang beses bang umiyak sakin ang nanay at kuya ko dahil kahit saang inuman dumadayo ako. Isa sa mga never forgotten session ay sa dasma, na bitbit ko pa si Anemic at Negra. Ito ang time na nahuli ako. Ilang beses na pagtambay sa Yes kasama si Jec at mga kaibigan nya. Hindi ko alam kung ilang barrel ang nauubos namin noon. Natatawa na lang ako pag naaalala ko ang nakaraan. Pero hindi ako proud na ginawa ko ang mga bagay na to.

Dahil ganyan ako dati, at ganito ako ngayon, it only proves that the Lord is so powerful and His power is so unimaginable kung paano nya kayang baguhin ang buhay ng isang tao. Pero syempre, may mga flaws pa din ako. Alam ko minsan eh masungit pa din ako at kapag to the highest level ang emotion ay nagiging insensitive pa din sa mga sinasabi. Kaya nga ngayon, I think before I speak.

Masaya ako na open na ngayon si Negra sa madaming pagbabago, at higit sa lahat yung willingness nya to know more Jesus. I bought her a book that can heal her broken heart and will let her know more about Him. Ayoko nga sana masyadong gumastos noon kase baka magipit sa budget, pero sabi ni Day, you have to invest as well sa mga kaibigan mo especially those are looking for Him. Kaya ayun, happy naman ako. Kahit na dumerecho pa ako sa Teletech after that for work, eh hindi man lang ako inantok habang nag ka calls.

So blessed to have so wonderful friends, I have set of mareh's, Day's, mga Tol ko sa laguna, Teh sa Bacoor at mga Men ko sa Dasma that I will be treasuring for the rest of my life.

I'm just so happy with the love of God and I can't contain it :)


Wednesday, September 7, 2011

as in wala....



as in wala... wala akong maipost dahil wala akong ginagawa. sa buhay ko, sa ministry, kahit saan. sa trabaho, go with the flow. pinepressure ko si Lord sa mga prayers ko. wala, wala, wala! as in wala. at hindi ko rin alam.