Thursday, May 27, 2021

Tatay

May 25th, 2:40am at Trece Martirez, Tatay passed away while waiting to be admitted sa ER PUI. It feels like a dream. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na wala na si Tatay. Ang reason bakit umuwi ako. Para makasama at maalagaan sya. Nakasama ko sya ng 17 days, inaagaan ko sya ng 1 week. Hindi ko akalain na magiging ganun kabilis ang lahat. 

Tatay tested positive sa Covid. Minsan iniisip ko pa din na baka ako ang nagbigay ng Covid sa kanya kahit pa nag negative na ako bago umuwi. O pinauwi muna ako ng Panginoon bago mangyari to. Maraming tanong sa isip ko, maraming regrets. Sana nag strict quarantine ako pagdating ko from hotel. Sana hindi kami nag away nung Friday na maganda na ang pakiramdam nya. Sana hindi sya umalis ng bahay at nagpunta ng tindahan. Sana hindi sya napagod at nabinat. Sana hindi sya nagpagod at nagbuhat sa Mendez. Sana tinulungan sya ni Kuya. Sana hindi ako pumayag na ilipat sya sa Trece. Napakarami kong sana na iniisip kong nagpaiba sa kalagayan namin. 

Pero ito ang providence sa amin ng Panginoon ngayon. Kahit napakahirap tanggapin, ito ang binigay sa akin ng Lord at wala akong karapatang iquestion ang kalooban ng Panginoon. Cremated si Tatay without wake, na lalong nagpapasakit sa kalooban ko. Alam kong ayaw ni Tatay ng cremation pero wala kaming choice. Hindi man lang makapunta ang mga pamilya at kaibigan. Discriminated pa kami ng kapitbahay namin dahil iniisip nila may Covid kaming lahat. Alam kong malalagpasan ko ang lahat ng ito. Sa ngayon, the weight is too much for me to handle na iyak na lang nagagawa ko. 

Lord, help me to trust you even in this dark and difficult times. Help me to turn my eyes upon Jesus. Help me not to be blinded and discouraged of my current affliction. I can only pray for Tatay, that you granted salvation for his soul, that he is with you now in Heaven

Forgive me Tay, for not loving you as I ought to love you. Forgive me for not being patient and loving. Forgive me for making wrong decisions which caused this to happen. I hope you know that you are the reason of all my hard work. You are the reason why I came back home. You are my life but now that you’re gone, I feel a little lost. Lord help me to stay in your path, continually trusting You. Heal my heart Lord, it’s too much for me to bear right now. 






















Wednesday, May 19, 2021

May 2021

 

Late post. May 1st ko pa tinype pero 19th na napublished 😅


Today is the day I am going back home. Like literally I am on the plane at this moment. It still feels surreal that I am on my way home. 4 years of working in Korea. It was tough, really tough. Mahirap malayo sa pamilya at mag isa lang abroad. But the Lord was really gracious to me na sa four years ko sa Korea ay nothing serious happened to me, aside sa mga bicycle accidents ko hahaha. But overall, everything went well for me. Maayos na work, good friends at visa that made me able to go on vacation twice a year. I’ve experienced so much din, full experience talaga. Madami akong na experience sa culture, food at mga tourists spots. Ilang beses ko din na experience ang four seasons. So no regrets na talaga ako. 


Dami nagtatanong kung sure na ba daw talaga ako na umuwi. Pandemic kase at mas maayos sa Korea compared to Pinas. Honestly, may konting kaba pa din naman ako. Like paano kung biglang mag close ang CCMG. Lagi kaseng hold ang contract. Paano kung matanggal ako or hindi ko kayanin ang work na yun. May mga ganun din akong alalahanin. Pero sa buong buhay ko, hindi naman nagkulang sa akin ang Lord. Ngayon pa ba na pagkain na lang ang aalalahanin namin. So may peace sa heart ko na everything will be okay sa paguwi ko. 


Sobrang excited ako sa newly renovated house, sa bonding kasama mga kapatid ko at mga pamangkin. Holidays and celebrations na buo na. Lord’s day with the brethren at bonding with my friends. Excited din ako mag work from home sa mas maayos na bahay. Yung after work eh may pagkain na tas sa hapon pupunta sa bahay mga pamangkin ko. Haysss... I can already imagine.