Thursday, December 3, 2020

COVID-19

Dati nasa movies lang ang mga ganyang virus, pero ngayon nasa tunay na buhay na. I thank the Lord na sa milyon milyon na nag positive sa virus na ito ay wala ni isa sa pamilya ko. So blessed sa good health. Daming challenges umpisa pa lang ng 2020. Naging blessing din ang paguwi ko ng February kase matatagalan pala ang next. So ngayon ay nag aappeal na ako sa court. May online classes din for extra income. In April got a new house with overlooking Han River pa. Dahil naging whole day na ako sa work, buti naman nag ka increase na ako. August nagkabati na din kami ni Stacey. A fews later naaksidente ako, bike colossion. Grabe ang black eye ko hahaha. 

Umuwi na si Nanay Minda. Level up na si Merlie at Alex.

Isang malaking lesson talaga na wag mag aasawa ng hindi tunay na Christian or else, you will live in misery. 

So ngayon ay December na. So glad na nakapasok sa Upwork si Faye. Training at live nya tonight. I hope makaya nya. Para next na ako next year. 

My goodness! 33 na ako in two weeks 😄😂

Excited na ako umuwi summer next year!~



Sunday, March 1, 2020

Goodbye Lolo

January 29, 2020... Pumanaw na ang nagiisang lolo na nakagisnan ko. Hindi ko man sya tunay na lolo sa dugo pero kung may hihigit pa sa tunay na lolo, yun ang love ko para sa kanya. 

I have so much regrets. Hindi ko sya nabisita nung umuwi ako ng Pinas last August. Sana yun ang naging huli naming pagkikita. Hindi na matutuloy ang plano ko na dalhin sya sa Tagaytay paguwi ko para doon ako na mag aalaga sa kanya. Sorry lo, hindi mo man lang narasanan ang maalwan na buhay bago ko nawala. 

Kaya kahit gipit ako sa pera, pinilit ko umuwi ng Pinas para mailibing ka. Yun na ang pinaka huling magagawa ko para sayo. Na kahit paano, isa sa pinakamamahal mong apo ang nag asikaso sayo sa huling araw mo dito sa mundo. Lagi pa din kita naalala. Yung mga panahon na malakas ka pa. Yung reunion natin na nagpupunta tayo sa beach. Malinaw pa sa alaala ko yung time natin sa butong. Yung gabi na binuhat mo kaming apat na apo mo sa braso mo kase ang lakas lakas mo pa nun. 

Mahal na mahal kita lo. Hindi ko alam kung kasama mo na ang Panginoon ngayon. Yun ang prayer ko. At mananatili ka palagi sa puso ko. 









Tuesday, January 21, 2020

2020 Update

January 12, 2020 ay pumutok ang bulkan taal. Hindi ko pa napuntahan ay nawala na ang tubig sa caldera.






January 20, 2020 ay hindi ako naka extend ng visa ko. Feb 28th expire na. Haysss, di ko pa alam ang next. Uwuian na. Excited naman ako umuwi.

January 22, 2020 - nag create ako new FB account.