Sa susunod, wag iinom ng kape kapag malapit ng matulog. Anong oras na? Alas dos na gising na gising pa ang diwa ko at eto nga nakakapag blog pa. Pisting kape yan haha!
Anyway, let me take this as opportunity to make this season of my life remembered by putting it to writing...
Oh well, yes I am! Crazy inLove indeed. This is a season of my life that I do not want to change. I thank God for all the Bible reading, podcast and preaching that He gave for me to know Him deeper.
With my years of existence as a Christian, I never viewed God as how I see Him now. I will not deny that Francis Chan has influenced me so much on this, and that is something I am so thankful. Fan man akong matatawag, God used him for me to radically love Him.
So sobrang kabaliwan ko, I am looking forward on when He will take my life. Ngayon, di ko maintindihan kung bakit may mga Christians na parang ayaw pang mamatay. Sabi nga ni Paul, to be with Christ is far better. True! What does the world have to offer that is better than Christ? Nothing! And yes, I understand that Paul also said that to be in the flesh is also beneficial for him to continue sharing the Gospel. Kung madeds ako ng maaga, maybe this year or this week, isa lang siguro ang ikakalungkot ko. Yun ay ang mamatay ako na hindi pa nakakilala sa Panginoon ang Tatay at Kuya ko. Madalas, iniisip ko na lang na may iba pa namang tao na gagamitin ang Lord para sila ay maligtas. Andyan naman sina Haidee at AC na maaaring humawak sa Childrens. O masyado akong selfish na dahil ayoko na makita ang corrupt na mundo na ito kaya gusto ko ng pumunta ng langit? Half true.
Though kahit ganito ako ngayon, masaya pa din naman ako sa buhay ko dito sa lupa. Masaya naman sa mga companion ko. I had group of friends before that I can never compare as well. Pero ngayon, mas deep ang bagong group. Nakakabless kase as we enjoy our fellowship, we also bring one another closer to God. Hindi lang kami tumatanda, lumalalim din kami sa pagkakilala namin sa Panginoon. Maniwala ka bang ngayon eh boring ang hapon after lunch kapag walang Bible reading? Haha!
Ilang weeks na lang madadagdagan na naman ang edad ko. Ito na ang preferred age ko to get married. Ewan ko lang kung mangyayari na nga. Lagi ko kase naiisip pede na nga ako kunin ni Lord anytime diba, so isipin ko pa ba yun? Hahaha!
Pero kung may isang Francis Chan akong makikilala, ay kasal agad! Hehe. Gitarista at nagtuturo ng bata lang naman talaga ang additional preference ko eh. Pero if I can find someone who is as "crazy inlove" as me sa Lord, what else can I ask for? I believe that will complete a man na gusto ko makasama habang buhay. Who sees God as I see Him and who will also serve God as I serve Him.
Pero sana, bago magkahatiran sa altar ay isa na akong ganap na titser :)))



No comments:
Post a Comment