Kakatapos lang ng camp. Nasabi ko na ba yun sa previous blog ko? Di ako sure. Enwey,ayun nga kakatapos lang. Isang camp na malayo sa mga naexperience kong camp. Una sa lahat, hindi ko kasama ang super friends, kulang sa policy, preparation, budget at marami pang anik anik. Pero isang bagay ang hindi nabago. Yun ay madami ang tumanggap kay Lord.
Ang pawis, boses, pahinga at tulog na nawala ay talagang sulit naman. Makakita ka ng testimonials na halos puro lalaki ang umiyak at naiiyak magsalita. Mga campers na nahihirapan na sa araw araw na recreation pero nakangiti pa din. At higit sa lahat, ito ang camp na madaming crush ng bayan, idol at fans.
Ay pagkababata pa naman talaga. Ma a ilove children ka, hahaha. Pero kahit papano nakakatuwa sila pagmasdan. Syempre naman, normal naman yan sa kabataan.
Nakakatuwa mang marining na sa tingin nila talagang nagiging blessing ako, alam ko ang totoo na may kapalpakan din ako. Masarap marinig na gusto ka nilang magign ate o anak, alam ko ang totoo na hindi talaga ako ganun. Madami pa din dapat ayusin sa buhay ko, pero masaya ako kase alam ko nandyan lagi si Lord. I thank the Lord na tinangal nya ang pagiging worrier ko. I thank the Lord for being sufficient to me. I thank the Lord for being my strength. Truly, people around you may dissapoint you, your family and friends, but never God will.
Hay, I cant imagine myself far from Him. Nakakabaliw, di ko kakayanin for sure.
Ewan ko kung bakit nagblog ako ulit today. Masaya lang ako ngayon. Kahit pa kulang kulang 8 libo ang bayarin ko sa katapusan. hahaha!