Thursday, August 12, 2010

Too smart to believe God

Why do they need to ask? Just believe, just have faith. No one can fathom the mind of God because He is God. His ways are not our ways, His thoughts are not our thoughts. That's why it is hard to believe, it is hard to explain. And why does he need to explain everything? He is God, no explanation needed, you just need faith. I'm happy that God didn't create me as smart as them. They are too smart to believe God, they are too smart to add laws in the Bible. I was shocked to hear their reasoning. So pitiful, did they really read the Bible just like what they said. If they did, they will realize that they are just like the stubborn Israelites that keep on asking for signs, prophets and kings that will rule them and will lead them to God. They are no difference with them if they will keep on looking for more answer. The Bible is the answer. They said Bible was sent to us so that we would know the laws of God and so we can live a righteous life. Is that so? Bible was sent to us so that we would KNOW God, an unseen God. Bible was sent to us to answer all our questions. But if you don't believe the Bible and keep on looking for more, they might never find what they are looking for. They are just like the other Koreans that do not believe in God and trust their limited strength and knowledge. They are too smart to believe God and I'm happy I'm not that smart...

Friday, June 25, 2010

posts

Hay... hirap na magpost sa FB now. dami reaction kahit wala naman masyado meaning ang post mo. eh kung wala nga naman meaning eh di wag na ipost. eh bakit nagkawall pa ang FB. hay naku naman...

Tanggap ko naman may mali ako, pero wag masyadong makulit, medyo nakakairita. They are driving the poeple away from them.

Pero feeling ko, wala naman pinatunguhan ang ginawa ko, ganun pa din. Matigas kase ulo ko. There's really no place like home.

Bye, take care. Di man naging maganda ang ending natin, pwede na din. May mga kilig moments naman eh. Carry lang.

Wala na ko masabi. Gusto ko na matapos ang Oh My Lady para makatulog na ko ng maaga.

I need lots of sleep....

Friday, June 11, 2010

The Joy of Serving the Lord...


Iruhin outreach, my second outreach... makukulit na bata, kelangan pang sunduin sa bahay tuwing saturday, minsan lima lang umaattend. Pero noon yun... Ang saya, ngayon, mababa na ang 15 na bata. Ikaw ang mahihiya kase pag dating mo, nadun na silang lahat... sasalubungin ka habang sumisigaw sila ng " Andyan na si teacher!!!" ang sarap sa pandinig, ang naudlot kong pangarap na maging teacher, tinupad pa din ni Lord, saya ^_^

Pero syempre, higit sa lahat, isang outreach ang hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko, kahit pa ako ay tumanda, ang Ligaya Drive... Ang una kong outreach, malayong lugar, mahirap ang buhay. Kelangan pa maglakad sa ilalim ng init ng araw dahil gipit sa budget. Ang unang outreach na nagpalapit sakin sa mga bata. Malayo ka pa lang, kita mo na silang lahat na nag aantay sa kanto ng Mariana, tatakbo palapit sayo at kukuhanin ang lahat ng bitbitin mo, kulang na lang pati kami ni Ikit ang aking masipag na partner ay pasanin. Akalain mong mga dalaga at binata na pala sila, at nakasama ko pa ang ilan sa camp kagaya ni Roland, Gigi, Christian at Cerwin.

Nakakatuwa, kahit nakakapagod, masaya pa din kami ni Ikit habang naglalakad pauwi palabas ng Ligaya Drive, nakaka dagdag lakas din kapag naiisip mong after mong mag outreach, si Lord ay nakatingin sayo... nakangiti.

Ito na ang pinakamagandang trabaho na napasukan ko...

Customers = mga bata
Office = malalayong liblib na lugar
Salary = JOY
Boss = Lord
Ito ang trabaho na sana tulungan ako ng Boss ko na wag mag resign...

Monday, May 31, 2010

deceitful heart

Akala mo inlove ka na. Nalaman mo lang na type ka eh type mo na din sya. Nasabihan ka lang na magiging malungkot sya kapag nawala ka eh dinibdib mo naman. Sinabi lang nya na "always think about me" eh lagi mo na ngang iniisip. Kung anong ginagawa nya ngayon, iniisip ka din ba nya, kelan kaya nya sasabihin na "I like or I love you". Hay... talaga naman, mapanlinlang ang puso. At eto nga nag iinit ang tenga ko kase sapul na sapul ako sa sarili kong pang rerebuke. Eh kung Kristiyano lang sana sya eh di no problemo na, kaso "I believe in my self" ang padali sakin. Pero syempre alam ko naman na di naman to love. Naku naman, parang ilang beses ko na bang naranasan to na lagi kong iniisip ang crush ko at gusto ko sya makasama, pero after a few days or weeks eh mawawala din naman ang feelings na to.

Nakakatawa lang, parang kelan lang eh nagbibilin ako sa mga yut na napaka childish ang magkagusto agad after a few days or weeks of knowing each other. O, ano ako ngayon? Parang 3 weeks ko pa lang din naman syang nakikilala at eto, nag ba blog na ko about him. I was looking forward na magkakasama ulit kami sa class. Kaso, negative ang nangyari. Maybe its God's will na din na di na kami magkasama kase wala naman patutunguhan to, at dahil 100% wala naman patutunguhan to, eh di itigil ko na din tong blog na to.

At para sa season naman ng buhay ko ngayon, eto change of career, English teacher na ako sa isang Korean school na malapit lang dito sa bahay. Nakakaenjoy naman, natupad na talaga pangarap kong maging teacher. Maliit lang ang sweldo kung ikukumpara mo sa call center na sweldo. Pero atleast, tulog naman ako sa gabi at hindi na kinakabahan sa tuwing tutunog ang telepono, haha. Enjoy naman ang pagtuturo, parang naglalaro lang lalo na kapag conversation lang ang class mo. Jampacked ang schedule, with group class pa. Buti na lang after the level test ay wala na akong group class. Natapos ang araw na to na hindi man lang ako napagod. Sa ngayon I am thinking of working abroad na din, kahit 6mos lang. Maexperience man lang ang sumakay ng plane at mapunta sa isang foreign country.

If its God's will, alam ko pagbibigayan ako ni Lord, pero kung mapapariwa lang ako, dito lang ako sa Pinas. Sa ngayon, nakakabored, dito lang sa bahay, walang magawa. Magfarmville na lang muna ako now.

Monday, April 19, 2010

ubo ubo ubo

Hay... isang lingo na akong may ubo, hindi ko na talaga carry to. nakakatakoy humiga para magpahinga kase mamilipit na naman ako sa kakaubo. anu pa bang dapat inumin ko? asido na? Char! syempre joke lang.

Kakatapos lang ng camp. Nasabi ko na ba yun sa previous blog ko? Di ako sure. Enwey,ayun nga kakatapos lang. Isang camp na malayo sa mga naexperience kong camp. Una sa lahat, hindi ko kasama ang super friends, kulang sa policy, preparation, budget at marami pang anik anik. Pero isang bagay ang hindi nabago. Yun ay madami ang tumanggap kay Lord.

Ang pawis, boses, pahinga at tulog na nawala ay talagang sulit naman. Makakita ka ng testimonials na halos puro lalaki ang umiyak at naiiyak magsalita. Mga campers na nahihirapan na sa araw araw na recreation pero nakangiti pa din. At higit sa lahat, ito ang camp na madaming crush ng bayan, idol at fans.

Ay pagkababata pa naman talaga. Ma a ilove children ka, hahaha. Pero kahit papano nakakatuwa sila pagmasdan. Syempre naman, normal naman yan sa kabataan.

Nakakatuwa mang marining na sa tingin nila talagang nagiging blessing ako, alam ko ang totoo na may kapalpakan din ako. Masarap marinig na gusto ka nilang magign ate o anak, alam ko ang totoo na hindi talaga ako ganun. Madami pa din dapat ayusin sa buhay ko, pero masaya ako kase alam ko nandyan lagi si Lord. I thank the Lord na tinangal nya ang pagiging worrier ko. I thank the Lord for being sufficient to me. I thank the Lord for being my strength. Truly, people around you may dissapoint you, your family and friends, but never God will.

Hay, I cant imagine myself far from Him. Nakakabaliw, di ko kakayanin for sure.

Ewan ko kung bakit nagblog ako ulit today. Masaya lang ako ngayon. Kahit pa kulang kulang 8 libo ang bayarin ko sa katapusan. hahaha!

Saturday, April 17, 2010

Ang Buhay Kristyano

Ang buhay na ito, kala mo madali lang, hindi ah! Kahit galit na galit ka na, kelangan mong pigilan ang nararamdaman mo. Ay naku, pasalamat talaga sya, kung di ko lang naiisip ang sasabihin ng mga tao kapag nakita nilang nakikpag away ako at malalaman nilang Christian ako, ay naku talaga. Anyway, okay na din naman, alam ko naman that silence is a great revenge. Mas malakas ang tama kapag di deadma lang sayo ang kaaway mo.

Change topic, at ayun nga, natapos ang Prison Break camp. Hay, katawa. Di na ko bagay sa mga ganitong stage ng buhay, tumatanda na ako. Ano to? I love children na din? Hahaha! Hindi naman, natutuwa lang ako siguro at assuming na din. Hahaha! Akala mo porket counselor ka na eh para sa mga campers ang message, syempre hindi. I was personally set free sa camp na yun, I was set free sa mga worries sa utak ko. After the camp, binitiwan ko lahat ng nag papagulo sakin, and I know that God will continue to unleash me sa mga bagay na nagpapahirap sakin. For now, what I need to do? Serve Him with all I am. Youth fellowship, Iruhin Outreach, Five Day Club, ang dami pang dapat asikasuhin kesa mag isip ng problema.

At kelangan pa ba talaga ng 'altar call' para mag commit sa devotion? Ay naku naman Tina, tungkulin mo yan bilang Christian. Alam ko inay, eto na nga diba nagsisikap. Takot ko na lang mapalo sa hindi pagtupad sa covenant kay Lord.

Anyway, I am still in a process, sabi nga ng favorite song ko... " I know I'm filled to be emptied again, the seed I received I will sow. Ito na yun, I must stand firm, hay hirap! pero maisip ko lang na anjan si Lord, okay na ulit ako. Sa mahabang bwan na wala akong trabaho, di naman nagkulang sakin si Lord, truly that He is sufficient for me.

I just can't imagine myself away from God, away from church, away from ministry at sa mga friends ko na natitira sa church. Ay ewan ko ba, matigas lang ba talaga ang ulo nila o talagang matigas nga. Naiisip ba nila ang resulta ng mga ginagawa nila? Ay anu naman bang karapatan ko, basta ang tatanda na nila at mga Kristyano din naman, hindi na kelangan pukpukin para matauhan. I just don't want to be affected anymore, an tagal na eh, ang dami ng lies, pain at 2nd chances.

At yun lang, masaya lang magbasa ng blog after a long long time ago. Babalikan mo yung mga feelings na di mo na maalala. Magbabasa ka na hindi mo na maalala ang mga taong tinutukoy mo, hahaha! Kahit kelan ulyanin. O sya, ako'y iislip na. Nyt!

Sunday, April 4, 2010

See you soon Kuya...

I will see you soon. Aalis ka na tom. Syempre sad ako, pero I know its part of God's plan for you. I did pray and fast for this and His blessing is with you. Pagbalik mo graduate na ko. We could start our computer shop na and you don't have to leave again. I can only give you my prayers and love. See you soon kuya. I love you!

Monday, February 15, 2010

failure :(

Yes, I am such a failure. Araw araw na lang may nasusungitan ako. Strangers, friends and family. Hay... anu ba tong nangyayari sakin, di ko mawari. Last month lang, okay naman ako. Ewan ko ba ngayon. Wala na din ako sa call center, need to give way for others. Sana naman tawagan na ko ni sir lito, kase kung hindi pa till next week, aba'y kelangan ko na talaga magpunta ng bacoor at maghanap ng trabaho. hindi na ko nakakapagbigay sa tatay ko ng pang pamalengke, dami bayarin sa card, ilaw at motor. At Lord, ikaw lang nakakaalam lahat ng laman ng puso ko. Hindi ko na kayang itype... I still and will always trust your soveriegnty...

Friday, February 5, 2010

busy busy busy....

Busy... sobra, kung kelang nandito na ko sa Tagaytay...mas malapit sa church. Sabi ko mas may time na ko sa Bible reading dahil meron ako ng lahat ng kelangan ko sa pagbabasa. Mas focused sa ministry dahil anytime pwede ka kumilos dahil nga malapit ka lang. Pero, easier said than done. Devotion na lang ang nagagawa ko, hindi pa araw araw. I feel so guilty na parang hindi si Lord ang priority ko. Busy sa PinoyPao, sa callcenter, sa fundraising, sa mga pamangkin, childrens at iba pang anik anik. Mon-Fri, work at pinoypao. Saturday, outreach. Sunday, church/ministry. San ang dayoff ko? Gabing gabi na matulog, nag a accounting kapa. Maago gigising kase mamimili sa pamana. Hayss... Di na ko nakakapanood ng CSI Miami, kung kelan kumpleto na DVD ko. Kung pwede lang dagdagan ang oras sa isang araw. Para mas mahaba ang tulog ko. Nakakamiss naman yung 2mos na tambay lang ako sa bahay. Pero kahit papano naman... fulfilling pa din. Kahit wala na kong time para sa sarili ko, basta meron si Lord. Ewan ko ba, siguro ganito na talaga ako. I can't imagine myself na malayo sa Kanya. Salamat kay Lord, may Bible reading (kahit hindi updated) alam ko naman kahit papano, binago ako nito. Hindi lang ako, madami samin. Its up to us on how we will react. Tanggap ko na din na hindi everytime, buo ang tropa. We already have different paths to take. Hindi kagaya dati na halos kumpleto kapag Sunday, lahat ng bonding kumpleto, lahat ng birthday celebration at event sa church. Ganyan talaga, hindi naman tayo pumupunta sa church at nagiging part ng isang ministry dahil sa tao eh, syempre, lagi dapat dahil kay Lord. The joy of serving must not be found through the people that you are with but it must be from God. Kaya may joy kase your serving Him. Dagdag saya lang yung kasama mo ang friends mo.

Bagong career... Tinggin ko, sa pagtitinda ako magiging successful, laging mabili ang mga tinda ko eh. Haha! Eh di mainam. Every Sunday, iba iba ang bitbit kong tinda sa church.

Masaya naman ako sa ngayon, mas mabuti ng ang may ginagawa kesa sa wala diba?


"Those who wait on the Lord
Shall renew their strength"

- Wings Like Eagles ; Don Moen