Wednesday, June 30, 2021

Tatay

It’s over one month simula nang mawala si Tatay. Not a day pass by na hindi ko sya naiisip at hindi ko mapigilan na hindi maiyak. It’s just so hard to believe na wala na talaga si Tatay. Minsan feeling ko uuwi sya ng gabi galing sa gilingan, tas manonood kami sa Netflix gamit ang mirroring ng phone nya. 

It’s still painful tuwing maalala ko ang mukha nya habang nandoon kami sa kwarto na yun. Yung hirap nyang huminga hanggang sa pumikit na mata nya. Anong nasa isip nya ng mga oras na yun. Sinasabi ba nya “Nine, bakit wala pa din sila ginagawa? Hirap na hirap na ako.” 

Bumabalik na naman ang mga regrets. Na sana dinala ko na lang sya sa private hospital at hindi ko na inisip ang bayarin para na admit sya ng maayos at nagamot. Na kahit ibenta ang lupa ay ginawa ko para lang nagamot sya. Sana hindi ako nagiisa ngayon. Sana magagawa pa namin ang napakarami naming plano. 

Hindi ko alam paano ko malalagpasan to. Araw gabi ako umiiyak sa Panginoon na ibsan nya ang sakit na nararamdaman ko, pero sa tuwing makikita ko ang mga bagay na konektado kay tatay ay hindi ko mapigilan na maluha at bumabalik na naman ang sakit.

Sana Tay alam mo kung gano kita kamahal. Lahat ng desisyon na ginawa ko ay dahil sa gusto na bumuti ka. Ito na lang siguro talaga ang pinagkaloob sa atin ng Panginoon. Kahit napakahirap tanggapin, kahit ilang araw lang tayo nagkasama paguwi ko, nagpapasalamat pa din ako sa Panginoon na nakauwi na ako bago ang pagpanaw mo.